COVID case papalo sa 100K sa Agosto – UP study
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto.
Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.
Kasunod ito ng ulat ng record-breaking na pagtaas ng kaso ng COVID sa magkasunod na araw, 2,434 noong Linggo at 2,099 noong Lunes. Habang kahapon ay naitala naman sa 1,540 ang bagong kaso o 47,873 cases.
“Our current trajectory is quite high since we went under general community quarantine, it looks like we will reach at least 65,000 by the end of July,” pahayag ni David
Batay sa mga researchers, posibleng umabot sa 25,000 infections ang maitala mula June hanggang July pero maaaring tumaas pa ng mahigit 35,000 mula July hanggang Agosto.
Bunga nito, inerekomenda ni David sa pamahalaan na higpitan pa ang mga borders at ilayo ang mga taong kumpirmadong positibo sa COVID at gamutin sa isang pasilidad at huwag payagan ang mga itong mag-home quarantine.
Kailangan din anya ang patuloy na mass testing sa bansa.
Tinaya naman ng DOH na makakapagsagawa sila ng testing sa may 1.63 milyong Pinoy o 1.5 percent ng populasyon hanggang sa katapusan ng Hulyo. (Ara Romero)
-
869 JEEPNEY OPERATORS AT DRIVERS SA VALENZUELA NAKINABANG SA CASH-FOR-WORK-PROGRAM
NASA 869 jeepney operators at mga drivers sa Valenzuela City ang pansamantalang nabigyan ng sampung araw na trabaho sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)’s Cash-for-Work Program. Ito’y para matiyak na maibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng kanilang nasuspindeng operasyon dahil sa pinalawig General Community Quarantine […]
-
MM provincial bus operations posibleng buksan
May mga provincial bus routes papunta at galing sa Metro Manila ang puwede ng muling buksan kung saan sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ginagawaan ng paraan na mangyari. Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang kanilang ahensiya ay naghahanda na para sa muling pagbubukas ng ilang provincial […]
-
Galvez: COVID-19 vaccination sa Pilipinas posibleng magsimula sa May 2021
BUMUBUO na raw ng national vaccine roadmap ang hanay ni Sec. Carlito Galvez Jr. kasunod ng kanyang appointment bilang Vaccine Czar. “Sa ngayon ang pinaka- importanteng ginagawa namin ay magkaroon tayo ng Philippine national vaccine roadmap. Bubuo tayo ng core group para maayos ang organisasyon from national to local government,” ani Galvez sa Laging […]