COVID cases sa PH, hindi malabong pumalo ng 76,000 sa Agosto’ – UPLB expert
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Pinangangambahan ng isang eksperto mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) na maaari pang tumaas ng hanggang 76,000 ang kabuuang bilang ng covid-19 sa bansa sa buwan ng agosto.
Dahil na rin ito sa nakikitang patuloy na pagtaas ng kaso ng deadly virus kada araw.
Inihalintulad ni UPLB Assistant Dr. Darwin Bandoy ang kasalukuyang lagay ng Pilipinas sa Estados Unidos na nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na covid-19 cases na ngayon ay pumalo na ng mahigit 3.8 million.
Malaki umano ang ambag dito ng pagtaas ng testing capacity ng bansa.
Sa kabilang banda, bahagyang bumaba naman ang case fatality rate na kanilang naitatala. mula raw kasi 6% noong Hunyo ay nasa 2% na lamang ito ngayon. Ibig sabihin lamang nito ay nag-improve ang healthcare system ng bansa.
Habang nakakita naman sila ng muling pagtaas sa positivity rate kung saan itinuturong dahilan dito ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas at community transmission.
Saka lamang daw malalaman na umuunti na ang bilang ng nagkakasakit sa oras na bumaba na rin ang positivity rate. Kung tumaas naman ang bilang ay maikokonekta ito sa expanded testing na ginagawa ng Department of Health (DOH).
Samantala, nilinaw naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi sapat ang antibody test na gamitin mag-isa upang ma-rule out kung may COVID ang isang tao o wala. (Gene Adsuara)
-
Rookie card ni LeBron posibleng maibenta sa $1-M sa auction
Posibleng umabot sa mahigit $1 million ang presyo sa auction ng pirmadong rookie card ni NBA star LeBron James. Ayon sa Goldin Auctions ang LBJ 2003-2004 Upper Deck Exquisite card ay isa sa 23 nagawa kung saan ito ay pang-14. Mayroong kondisyon ito na 9.5 o tinatawag na “gem mint” at good as […]
-
Magnolia: 3rd STRAIGHT WIN KONTRA NLEX
Nakuha ng Magnolia Hotshots ang ikatlong sunod na panalo matapos na talunin ang NLEX 119-103 sa PBA Governors’s Cup sa Araneta Coliseum. Nanguna sa panalo ang import na si Antonio Hester na mayroong 37 points at 15 rebounds habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at 12 assists si Jio Jalanon. Ibinahagi ni […]
-
Private hospitals na kakalas sa PhilHealth, balik-transaksiyon na
BALIK-TRANSAKSYON na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga pribadong pagamutan na una nang nagbantang kakalas na sa state insurer, dahil sa pagkabigo nitong kaagad na mabayaran ang kanilang mga claims. Ayon kay Dr. Shirley Domingo, vice president for corporate affairs ng PhilHealth, naresolba na ang isyu sa pagitan ng PhilHealth at […]