• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID increase projection dahil sa nagdaang eleksyon, ngayong linggo inaasahan- Dr . Solante

INAASAHANG ngayong linggong ang simula ng projection na ginawa ng mga eksperto patungkol sa posibleng pagsipa ng kaso ng COVID 19.

 

 

Sinasabing, ito na kasi ang ikalawang linggo o eksaktong 14 na araw makaraang idaos ang national elections kung saan ay nagsipagdagsaan ang may higit 60 na milyong mga botante sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Sinabi ni Infectious Disease expert Dr Rontgene Solante, hindi lamang nila titingnan ang uptick o pagtaas na maaaring manggaling sa nagdaang halalan dalawang linggo na ang nakakaraan.

 

 

Aniya pa, isa pa nilang babantayan ay ang kasong maitala na may konektado naman sa pagpasok ng sublineage na BA.2.12.1.

 

 

Ani Solante, Mayo hanggang Hunyo ang kanilang gagawing mahigpit na pagmomonitor at kanilang itinuturing na kritikal itong yugtong ito.

 

 

“Ang tinitingnan natin dito ay iyong uptick ng cases ay beginning  of second week after the election ‘no, especially iyong pagpasok ng sublineage na BA.2.12.1,” ayon kay Solante.

 

 

“And then onward, until June iyan – May up to June, kung mayroong pagtataas ng kaso. [Garbled] critical of this month na if there is a community transmission, then malalaman natin, tataas ang mga kaso because of the highly transmissible sublineage na BA.2.12.1,” dagdag na pahayag ni Solante. (Daris Jose)

Other News
  • DepEd: Private schools, puwedeng mag-distance, blended learning

    MAAARI pa ring magpatupad ng distance at blended learning, paglampas ng Nobyembre 2, ang mga pribadong paaralan sa bansa.     Ito’y matapos na ilabas ng Department of Education (DepEd) kahapon ang Department Order (DO) 044 na pirmado ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte.     Sa ilalim ng naturang kautusan, inaamiyendahan ang […]

  • Bayanihan 3 ni Speaker Velasco, malabong iendorso ni PDu30

    NGAYON pa lamang ay nagpahiwatig na ang Malakanyang na malabong iendorso ni Pangulong Rodrigo Roa Duerte ang pagpapasa ng P420-billion stimulus package na ipinanukala ni House Speaker Lord Allan Velasco na tinawag bilang Bayanihan 3.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kasalukuyan, ang P4.5-trillion 2021 National Budget at ang P165-billion Bayanihan to […]

  • 12 milyong essential workers target bakunahan sa ‘NCR Plus 8’

    Lumarga na ang ‘vaccination’ para sa A4 prio­rity group o mga ‘essential workers’ kung saan nakatutok ang Department of Health (DOH) sa National Capital Region (NCR) at walo pang lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.     Tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 12 milyong ‘essential workers’ mula sa Metro Manila, […]