• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic.

 

Sa naging panayam kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical administrative works, at manufacturing.

 

Pinaka-apektado ang mga galing sa hotel dahil walang masyadong nagpupunta sa mga ito bunsod ng pandemya.

 

Ayon kay Secretary Bello, marami rin ang naapektuhan sa sektor ng transportasyon lalo na ang mga provincial buses na humihiling na sila ay payagan nang mamamasada.

 

Gayunman, tulad ng pagtulong ng DOLE sa mga bus driver na nawalan ng trabaho, makakaasa rin daw ang iba pang mga naging unemployed sa pamamagitan ng COVID Adjustment Measures Program o DOLE-CAMP.

 

Bibigyan ng DOLE ang mga manggagawa ng P5,000 na cash aid at maaari namang livelihood sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) na gustong magsimula ng sariling negosyo kaysa umasa sa mga maibibigay na trabaho sa kanila.

 

Tiniyak ng kalihim na kapag nailabas na ang pondo ay bibigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho pero minsan lamang ito.

Other News
  • 13-M NA PAMILYA NABIYAYAYAN NA NG 2ND TRANCHE NG SAP

    UMABOT na sa mahigit 13.59 milyong pamilya nag naka tanggap ng ayudang P6,000-P8,000 sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).   Batay sa datos ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD)  nasa  13,598,020 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.   Dahil dito, aabot na sa P81.4 bilyon ang nailabas ng DSWD para […]

  • Belmonte nagapela na buksan ang 2 intersections sa EDSA

    Nagapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng ESA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.   Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and […]

  • Medvedev, kinoronahang hari ng ATP nang magwagi vs Thiem

    Nadagit ni Russian tennis star Daniil Medvedev ang kampeonato sa ATP Finals sa London matapos na talunin nito si Dominic Thiem.   Bagama’t nabigo sa isang set, hindi nagpatinag si Medvedev at pinahiya si Thiem sa iskor na 4-6, 7-6 (7/2), 6-4 para makuha ang pinakamalaking tagumpay sa kanyang career.   Umabot sa dalawang oras […]