COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic.
Sa naging panayam kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical administrative works, at manufacturing.
Pinakaapektado ang mga galing sa hotel dahil walang masyadong nagpupunta sa mga ito bunsod ng pandemya.
Ayon kay Secretary Bello, marami rin ang naapektuhan sa sektor ng transportasyon lalo na ang mga provincial buses na humihiling na sila ay payagan nang mamamasada.
Gayunman, tulad ng pagtulong ng DOLE sa mga bus driver na nawalan ng trabaho, makakaasa rin daw ang iba pang mga naging unemployed sa pamamagitan ng COVID Adjustment Measures Program o DOLE-CAMP.
Bibigyan ng DOLE ang mga manggagawa ng P5,000 na cash aid at maaari namang livelihood sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) na gustong magsimula ng sariling negosyo kaysa umasa sa mga maibibigay na trabaho sa kanila.
Tiniyak ng kalihim na kapag nailabas na ang pondo ay bibigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho pero minsan lamang ito
-
Mayweather, papayag lamang na makaharap si McGregor kapag bayaran ng $300-M
NAGLATAG si US boxing champion Floyd Mayweather ng kaniyang nais na premyo sakaling humirit ng rematch si UFC star Conor McGregor. Sinabi nito na kapag ipilit ng Irish fighter ang muling paglaban nila ay dapat ay bayaran siya ng $300 million. Maging si Khabib Nurmagomedov ay kaniyang hinamon kung saan papayag lamang ito […]
-
Pamamahagi ng ayuda sa NCR nasa P4.5-B na – Sec. Año
Iniulat ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa kabuuang P4.5 billion mula sa P11.2 billion ayuda na ang naipamahagi ng gobyerno as of August 16, 2021 sa mga beneficiaries sa National Capital Region (NCR) simula ng isailalim ito sa enhanced community quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang August 20, 2021. […]
-
Ilang US Olympic gymnasts binatikos ang FBI sa pagbalewala sa reklamo na sexual harrasment
Binatikos nina US Olympic gymnasts Mckayla Maroney at Simone Biles ang FBI at Justice Department dahil sa hindi nila pinaniwalaan ang kanilang sumbong na sexual harrasment laban sa dating coach na si Larry Nassar. Sa ginawang pagdinig sa Senate Judiciary Committee sinabi ng dalawang atleta na hinayaan ng mga otoridad na maging malaya […]