COVID vaccine mula sa Pfizer nakarating na sa Singapore
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
Natanggap na ng Singapore ang unang shipment ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer at BioNTech.
Lulan ng flight SQ7979 ng Singapore Airlines 747-400 freighter ang nasabing bakuna.
Mula umano ito sa Brussels at dumating sa Changi Airport ng Singapore ng alas-7:36 pm nitong Lunes ng gabi.
Tinanggap ito ni Transport Minister Ong Ye Kung at ito ay dinala sa SATS’ cold-chain facility para doon itago.
Sinabi ni Ong na naging ligtas naman ang pagdating ng bakuna at kanilang sisimulan ang pamamahagi ng bakuna sa iba’t ibang lugar sa kanilang bansa.
Magugunitang inanunsiyo ni Prime Minister Lee Hsein Loong noong Disyembre 14 na kanilang binigyan ng emergency authority ang nasabing bakuna. (ARA ROMERO)
-
PELIKULANG MAID IN MALACANANG, HUWAG PANOORIN PANAWAGAN NG OBISPO
NANAWAGAN ang isang Obispo na huwag tangkilikin ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.” Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, inilarawan nito ang pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad. “The producer, scriptwriter, director and those promoting this movie should […]
-
PBBM, pinangalanan ang mga rice smugglers; nangako na hahabulin ang mga rice price manipulators
UPANG ipakita ang kanyang malakas na “political will” na tapusin ang rice smuggling sa Pilipinas, isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, ang mga pangalan ng mga rice smugglers na sumisira sa takbo ng ‘rice supply and demand’ sa merkado. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng bigas […]
-
VINA, non-showbiz guy ang bagong inspirasyon kaya nananahimik; pangarap pa ring na maikasal
MAY nagpapakilig pala ngayon kay Vina Morales, pero hindi pa raw siya ready na isapubliko kung sino ang lalakeng ito. Marami raw kasing kinukunsidera si Vina, isa na rito ay ang magkaroon ng tahimik na lovelife. “Mahirap kasi ngayon, mahirap ‘yung past ko. Napaka-open ko sa private life ko pero nagkaroon […]