VINA, non-showbiz guy ang bagong inspirasyon kaya nananahimik; pangarap pa ring na maikasal
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
MAY nagpapakilig pala ngayon kay Vina Morales, pero hindi pa raw siya ready na isapubliko kung sino ang lalakeng ito.
Marami raw kasing kinukunsidera si Vina, isa na rito ay ang magkaroon ng tahimik na lovelife.
“Mahirap kasi ngayon, mahirap ‘yung past ko. Napaka-open ko sa private life ko pero nagkaroon ng maraming intriga.
“So better na ‘yung mas tahimik ngayon. Hindi naman artista ang nagpapa-inspire sa akin.
“Ang hirap din maging open din masyado kasi wala namang assurance pa eh. Kung talagang para sa ‘yo, kung talagang kayo.
“I guess better na medyo ganito na lang muna. Mas tahimik,” diin ni Vina.
Isa raw sa mga pangarap ni Vina na hindi pa natutupad ay yung ikasal siya.
“I’ve never been married. Gusto ko naman makasal. Kaso ngayon ayoko na ring umasa. Basta kung ano na lang ‘yung meant for me, kung wala ako, if I won’t be able to get married, kung hindi ko maranasan ‘yan, okay lang din sa akin.
“Parang open naman ako to anything. Life goes on with or without anyone. Of course masarap ‘yung feeling na may inspirasyon ka or parang hopeful ka pa rin na someday ikasal ka.
“But then kung hindi talaga para sa atin, wala akong magagawa. I cannot push things to happen or ipagpilitan ‘yung gano’ng situation na hindi naman talaga para sa akin,” diin pa niya.
Happiness daw ni Vina ay ang daughter niyang si Ceana na 12 years old na.
“Basta ako, I’m whole na because of Ceana. May Ceana ako, ‘yon lang ang importante sa akin. Kasi naging buo naman ako without anyone.”
***
AMINADO ang Kapuso actors na sina Dave Bornea at Manolo Pedrosa na may may kaba sa kanilang pagganap bilang leading men sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat.’
Kuwento ng dalawa, thankful sila sa GMA Network para sa pagtitiwala sa kanilang talent. Gayunman, hindi rin nila maiwasang makaramdam ng pressure.
Pagbabahagi ni Dave, “For me sobrang grateful po ako kasi ‘yun nga I was given the chance na mabigyan ng ganitong role at nilagay sa ganitong spot. May pressure po, hindi naman po maiiwasan yan, at the same time may kaba rin, pero para sa akin it’s up to me kung paano ko siya dadalhin or gagampanan.”
Sey naman ni Manolo, tinatanggap niya ang challenge, “Kahit ano’ng job naman siguro there’s pressure, so ako naman I used it. I used that pressure as energy and same with Dave, I’m very grateful, I’m E ag-celebrate very honored to have this path.”
***
NAG-CELEBRATE naman ng kanilang 8th anniversary sa Boracay ang showbiz couple na sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman.
Post ni EA sa IG: “Ang sarap sa feeling na makapagtravel ulit. See you Bora!”
Post naman ni Shaira: “Finally flying again.”
Naging tradisyon na nila Shaira at EA ang nag-travel sa ibang bansa para mag-celebrate ng kanilang anniversary. Bago magkaroon ng pandemic, nag-US at nag-Hong Kong ang dalawa para mag-celebrate.
Inamin nila EA at Shaira na nagkahiwalay din sila pero nagkabalikan sila noong 2019.
Sa YouTube channel ni EA, nag-share ito ng naging love story nila ni Shaira.
“After niya ako sagutin ng February 17, tuloy tuloy lang hanggang ngayon seven years na kami and counting. Ngayon mahal na mahal ko si Baba and proud ako sa kanya. Proud ako na siya’y Baba ko and siya yung tinitibok ng aking puso. Siya yung pumana ng puso ko.”
“Nung first four years lagi kaming nag-aaway dahil sa maliit na bagay which is normal naman I think. Lahat naman tayo ganun. Parang pina-realize niya sa akin na kung maliit na bagay, huwag na natin pag-awayan kasi hindi naman makakatulong sa atin yan which is true.
“Importante yung kailangan ninyo mag-grow. Kahit na nasa relasyon kayo kailangan may sarili pa rin kayong buhay para at the end of the day wala kayong sisihan na, ‘Ay, hindi ko na-enjoy yung ganito.’ Kailangan yung faith niyo kay Lord sobrang malakas and matibay. Mahaba pasensya niyo sa isa’t isa.” (RUEL J. MENDOZA)
-
Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan. “Alam mo, it is high time that government consider na we […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 37) Story by Geraldine Monzon
SA WAKAS ay muling nabuo ang pamilya Cabrera. Sina Bernard, Angela at ang anak nilang si Bela. Kaya naman walang ibang nasa isip ngayon ang mag-asawa kundi paghandaan ang selebrasyon para sa pagbabalik ni Bela sa kanilang buhay. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman nila. Nakakuha rin ng magandang tiyempo si Andrea para magpaalam sa kanyang […]
-
Kiyomi bigatin ang makakalaban sa Tokyo Games
Aminado ang Philippine Judo Federation (PJF) na mahihirapan si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe na makapag-uwi ng medalya mula sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Ito ay dahil sa bigating mga karibal ni Watanabe sa women’s -63-kilogram division, ayon kay PJF president David Carter. Ilan rito ay sina World No.1 Clarisee Agbenenou […]