Crawford hinamon si Pacquiao matapos ang panalo kay Brook
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Umaasa si WBO welterweight champion Terence Crawford na matutuloy na ang laban ni Manny Pacquiao.
Ito ay matapos na magwagi si Crawford sa pamamagitan ng knockout laban kay Kell Brook.
Dahil sa panalo ay mayroon na itong 37 panalo na walang talo na mayroong 28 knockouts.
Sinabi ni Crawford na matagal na niyang hinihintay ang panahon na makaharap ang Filipino boxing champion.
Dagdag pa nito na kung hindi lamang sa coronavirus pandemic ay natuloy na ang laban. Mayroon ng 95 percent na natapos ang usapan na gagawin ito sa Middle East.
Tiniyak naman ni Top Rank bigboss Bob Arum na itutuloy ang laban ng dalawa sa 2021.
-
Hiling ng DTI na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa NCR, masusing pag-aaralan ng IATF sa takdang oras
MASUSING pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit ng Department of Trade and Industry (DTI) na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pagbabatayan ng IATF sa takdang oras ang mga datos na makukuha mula sa Kalakhang Maynila kung dapat […]
-
Kamara magbibigay ng P3-M kay Carlos Yulo matapos masungkit ang gold medal sa Paris Olympics
MAGBIBIGAY ng P3 milyong reward ang House of Representatives (HOR) kay Carlos Yulo dahil nasungkit nito ang gold medal sa 2024 Paris Olympics. Ito ang kinumpirma ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co. ” In recognition of his historic accomplishment, the House of […]
-
Pagdanganan may natanggap P4M gantimpala
NAWALA sa porma si Bianca Pagdangan nang makahampas lang ng 3-over 73 para sa even 280, upang mapabilang sa four-way tie para sa ninth place na may $84,765 cash prize (P4M) bawat isa at magkapuwesto sa 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas sa darating na Disyembre 10-13. Sa pagrolyo ito nitong Linggo […]