• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Crime rate sa Metro Manila, bumaba ng 17% – PNP

INIULAT ng Philippine National Police na bu­maba ng 17 porsiyento ang crime incidents sa National Capital Region mula November 2021 hanggang Enero 2022.

 

 

Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang pagbaba ng crime incidents mula Nob. 20, 2021 at hanggang Enero 23, 2022 ay indikasyon ng maigting na kampanya ng PNP laban sa iba’t ibang krimen sa bansa.

 

 

Kabilang sa mga tinututukang crime incidents sa Metro Manila ay physical injuries, theft at robbery.

 

 

Sa katunayan ang pagbaba ng mga kaso sa NCR ay nakita rin sa ilang rehiyon sa bansa.

 

 

Walong kaso ang tinutukan ng PNP na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motorcycle theft at carnapping.

 

 

Posibleng nakatulong sa pagbaba ng crime incidents ang ipinatutupad na qua­rantine restrictions sa COVID-19.

 

 

Gayunman, tiniyak ni Fajardo na hindi magi­ging kampante ang PNP lalo pa at papalapit ang halalan.

Other News
  • ‘Calibrated importation’ ng mga sibuyas, ipatutupad ni PBBM

    Planong magpatupad ng “calibrated importation” ng mga sibuyas sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Sa gitna ito ng mga agam-agam ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa pag-aangkat ng sibuyas ng pamahalaan dahil sa kawalan ng suplay nito sa mga merkado.     Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary […]

  • Matutupad na ang isa sa mga matagal na pangarap: ALDEN, sisimulan na ang movie na siya ang aktor, producer at direktor

    SI Zoren Legaspi ang sinalang ni Carmina Villarroel sa segment ng ‘Sarap, Di’ Ba?’ last Saturday na Hot Seat.       Tinanong si Zoren na kung may gagawing movie si Mina at siya ang direktor, sino ang kukunin niyang aktor bilang leading man na dating na-link kay Mina?       Habang binabasa nga […]

  • Ads July 9, 2020