Crossovers swak sa finals
- Published on August 12, 2021
- by @peoplesbalita
Walang preno ang Chery Tiggo nang sagasaan nito ang Choco Mucho sa pamamagitan ng 25-16, 26-24, 25-23 demolisyon para umabante sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.
Nagsilbing driver si outside hitter Dindin Santiago-Manabat na siyang nasandalan ng Crossovers sa mga krusyal na sandali ng laro para buhatin ang kanilang tropa sa 2-1 panalo sa best-of-three semifinals.
Nakakuha ng suporta si Santiago-Manabat kina 6-foot-5 Jaja Santiago at national team member Mylene Paat na naasahan din sa opensa.
Minanduhan naman ni Buding Duremdes ang floor defense samantalang maningning ang laro ni playmaker Jasmine Nabor na siyang naglatag ng balanseng atake ng Chery Tiggo.
Nagtala si Nabor ng 28 excellent sets at tatlong aces.
Makakasagupa ng Chery Tiggo ang nagdedepensang Creamline sa best-of-three championship series na magsisimula ngayong araw sa alas-6 ng gabi.
-
JACKIE CHAN, kaaliw ang pagsi-shake dance at pagsasabi ng ‘Salamat Shopee!’
NI-LAUNCH ng Shopee, ang leading e-commerce platform sa Southeast Asia at Taiwan, ang pinaka-exciting year-end shopping season na magsisimula sa signature 9.9 Super Shopping Day. At bilang bahagi ng biggest and most action-packed shopping season, winelcome ng Shopee ang international superstar na si Jackie Chan, who will be featured in a range of […]
-
Knott tuloy ang training
NOONG Agosto pa hu-ling sumabak sa aksyon si Fil-American sprinter Kristina Knott kung saan niya binasag ang 33-year old Philippine national record ni Lydia De Vega sa women’s 100-meter dash. Sa ‘Virtual Kumustahan’ ng Philippine Sports Commission (PSC) ay sinabi ni Knott na patuloy ang kanyang training sa Florida, USA bagama’t wala pang naitatakdang […]
-
FACESHIELD MANADATORY SA MGA KAWANI NG NAVOTAS
IPINAG-UTOS ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng mga empleyado ng pribadong kumpanya pati na rin sa mga kawani ng local na pamahalaan. Sinabing alkalde na maliban sa pagsusuot ng face mask, karagdagang safety measuresdin ang pagsusuot ng face shield, hindi lamang para sa […]