• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility

HINIKAYAT  ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan.

 

 

Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno.

 

 

Ang CSC ay nagkakaloob ng Honor Graduate Eligibility (HGE) para sa Latin honor graduates sa Private Higher Education Institutions (PHEI) sa Pilipinas mula School Year 1972-1973 sa baccalaureate o bachelor’s degrees na kinikilala ng Commission on Higher Education alinsunod sa Presidential Decree No. 907 na inisyu noong Marso  11, 1976.

 

 

Layunin ng batas na agarang maisama ang mga Latin honor graduates sa public service upang matiyak ang partisipasyon ng mga ito sa public affairs na ma­pag-ibayo pa ang kalidad ng serbisyo publiko.

 

 

“Honor graduates can easily secure their civil service eligibility without undergoing the examination. The fact that they graduated with honors is considered sufficient basis to determine merit and excellence for public employment,” ayon pa sa opisyal.

 

 

Ang kompletong  list of requirements at application procedures ay available sa CSC website sa www.csc.gov.ph/special-eligibilities.

Other News
  • Ads May 8, 2021

  • Isinuko na ang lahat sa Diyos: GARDO, inakalang lilisanin na ang mundo nang ma-stroke

    SINABI ni Gardo Versoza na inakala niyang lilisanin na niya ang mundo nang atakihin siya sa puso noong Marso.     Binalikan ng aktor ang naturang karanasan kung saan nalaman ng mga duktor na barado ang kaniyang dalawang ugat na konektado sa puso.     “Umabot ako dun sa point na parang about to leave […]

  • Lahat ng 10 Pres’l candidates, nakaboto na; Sen. Ping Lacson, ‘early bird’

    BAGO pa man mag-tanghali kanina, nakaboto na ang lahat ng 10 kandidato sa pagka-Pangulo.     Nabatid na si Sen. “Ping” Lacson ang pinakaunang bumoto sa presidentiables kung saan alas-7:00 pa lamang kaninang umaga nang magtungo ito sa kanilang presinto sa Imus, Cavite.     Narito pa ang mga Presidential candidate na nakapagsumite na ng […]