• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DRUG TEST SA DRAYBERS

‘DI mapuksang mga drug addict. Kahit pa madugo ang kampanya ng pamahalaan laban sa drug traffickers, patuloy pa rin ang pagkalat ng shabu at ka-bilang sa mga nalululong dito ay ilang jeepney dri-vers na namamasadang kargado ng shabu at lubhang delikado sapagkat nananagasa sila ng mga tumatawid na pedestrians at mga naghihintay na pasahero.

 

Wala na silang control sa manibela sapagkat lumilipad ang isip at huli na bago malaman na nakapatay na siya ng mga tao. At kapag nahimasmasan sa nangyaring kasalanan, saka magbibigay ng rason na walang solidong batayan.

 

Ang malagim na pangyayari sa iba’t ibang kalsada ang naging daan para magsagawa ng random drug testing ang Land Transportation Office (LTO) sa mga jeepney drivers na bumibiyahe sa lungsod.

 

Iba’t ibang lugar ang pinuwestuhan ng mga pulis at LTO at sorpresang pinara ang mga jeepney at isinailalim sa drug test ang drayber. Pitong jeepney drivers ang nagpositibo sa paggamit ng shabu. Idinetain sila sa Makati police station habang iniha-handa ang kaso.

 

Nararapat na ang pagsasailalim sa mga jeepney drivers sa drug testing dahil kung hindi isasailalim sa prosesong ito ang mga jeepney dri-vers, nasa panganib ang mga pedestrians at ma-ging mga pasahero.

 

Nararapat na maparusahan ang mga addict na driver. Hindi sila dapat magmaneho. Walisin sila sa kalsada.