• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Customers na mababa ang konsumo hanggang Dec. 31, ‘di pwedeng putulan ng kuryente’ – ERC

INATASAN ng Energy Regulatory Commission ang mga distribution utilities tulad ng Meralco na huwag munang putulan ng kuryente ang mga customer na mababa ang naging konsumo hanggang December 31, 2020.

 

“Distribution Utilities (DUs) are directed NOT to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly consumption not higher than twice the ERC approved maximum lifeline con- sumption level.”

 

Batay sa inilabas na advisory ng ERC, sinabi ng tanggapan na alinsunod sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang kanilang direktiba.

 

Sa ilalim nito, lahat ng distributon utilities at retail electricity suppliers ay inaatasan din na magpatupad ng 30-day grace period sa mga customer na hindi pa rin nakakabayad ng kanilang electricity bill noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

 

Hindi raw pwedeng magpataw ng interes, penalty o kahit anong uri ng charges ang mga kompanya.

 

Kung lumampas man sa itinakdang 30-day grace period, dapat umanong payagan ng distributors at suppliers na makapagbayad ang customer sa loob ng tatlong buwang installment.

 

“Any unpaid balance after the lapse of the 30-day grace period shall be payable in three equal monthly installments without incurring interests, penalties and other charges.”

 

Hindi sakop ng palugit na mga araw ang government offices, agencies at mga pag-aaring kompanya ng pamahalaan.

 

Bukod sa distribution utilities at retail suppliers, inaatasan din ng ERC ng parehong direktiba ang generators/suppliers at iba pang government-owned and controlled corporation na nangangasiwa ng electric distribution. (Ara Romero)

Other News
  • Barangay Ginebra kampeon na naman laban sa Dragons

    Nakuha ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng 2022 PBA Commissioner’s Cup matapos na talunin ang Bay Area Dragons 114-99 sa kanilang Game 7.     Mula sa simula ay hindi na pinaporma ng Gin Kings ang kalaban sa harap ng 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bulacan.     Ito na ang itinuturing na p […]

  • ‘I apologize’: Spence injured ang mata, laban vs Pacquiao hindi muna tuloy

    Humingi ng tawad at dissappointed ang Amerikanong boksingero na makakaharap dapat ni Manny Pacquiao matapos hindi ituloy ang kanilang napipintong laban ngayong buwan dahil sa pinsalang tinamo sa mata.     Ang anunsyo ni Spence ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules (oras sa Pilipinas).     “I am very disappointed that I […]

  • Netflix Reveals the Trailer to the Newest Animated Musical Film ‘Vivo’

    AFTER getting us excited by treating us with a clip from the movie last week, Netflix finally reveals the trailer to Vivo, the newest animated musical film, coming to the site this August 6.     The film features a star-studded voice cast, which includes Lin-Manuel Miranda, Zoe Saldaña, Gloria Estefan, and more.     See the […]