• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cyber security office, itatag vs hackers! – Tulfo

NANANAWAGAN si House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anumang pag-atake ng mga hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa.

 

 

Ito’y matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng mga hackers sa mga computer data system at websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, Department of Information, Communication and Techno­logy at maging ng House of Representatives.

 

 

Ayon kay Cong. Tulfo, “nakita natin na kung gaano ka-vulnerable at helpless ang mga ahensya natin sa pag-atake ng mga hacker sa mga websites o mga computer files ng mga government agencies natin.”

 

 

Aniya, marami ng bansa ang nagtatatag na ng cyber security agency dahil online o digital na ang halos lahat ng transaction pati ang komunikasyon sa buong mundo.

 

 

Para kay Tulfo, ang itatag na cyber security office o agency ay may kakayahan na pangalagaan at protektahan ang mga digital files ng gobyerno laban sa mga pag-atake ng mga ordinaryong hackers at posibleng cyber terrorists.

 

 

Ang nangyari raw sa isang bangko at isang e-wallet company na napasok ng mga hacker ilang buwan na ang nakakaraan ay isang paalala raw na nasa cyber space na rin ang mga sindikato. (Daris Jose)

Other News
  • Ephesians 4:16

    From [Christ] the whole body, joined and held together by every supporting ligament, grows and builds itself up in love, as each part does its work.

  • Sangley Airport, pinasinayanan ni Duterte

    PINASINAYANAN ni President Rodrigo Duterte ang Sangley Airport development project na may layuning maibsan ang flight delays at air traffic congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sa ngayon ay ongoing pa rin ang construction ng bagong commercial airport kung saan ito ay nakikitang magiging isang international hub.   “I vowed to ride my […]

  • Higit 6K tradisyunal na jeep sa MM, balik pasada ngayon

    Balik pasada na simula ngayon, Hulyo 3, ang 6,002 tradisyunal na jeep sa Metro Manila makalipas ang mahigit tatlong buwang tigil-operasyon bunsod ng community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Base sa guidelines na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tanging ang mga maituturing na “road worthy” traditional jeepneys lamang at […]