• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cybersecurity measures, in-adopt para palakasin ang digitalisasyon ng Pinas — PBBM

PINAIGTING ng administrasyong Marcos ang pagsisikap nito na magtatag ng cybersecurity infrastructure sa gitna ng hangarin na i-digitalize ang burukrasya.

 

 

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa isinagawang  open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, isang event na aniya’y excited sya na magpartisipa dahil mabibigyan siya ng pagkakataon na palawigin at ipaliwanag mabuti ang inisyatiba ng bansa.

 

 

Bilang tugon sa tanong,  binanggit ng Pangulo ang “digitalization initiative at improvement” sa  bureaucratic efficiency.

 

 

“Security has become a huge issue. That’s what we are trying to design now, a cybersecurity system for this sensitive information,” ayon sa Pangulo.

 

 

Hindi naman itinatanggi ng Pangulo ang mabagal na internet connectivity, sinabi ng Pangulo na kailangan ng gobyerno na gumawa ng mas maayos sa pagkonekta sa milyong  Filipino at muling buhayin ang inisyatiba na isulong ang  digital economy.

 

 

“The connectivity in the Philippines is still pretty low. It’s unfortunate because, in some of the studies we’ve made, the general consumer talks to every facet of their lives through the internet, except for government,” ayon sa Pangulo.

 

 

Dahil dito,  sinabi ng Pangulo na pumasok na sa eksena ang lokal na pamahalaan  upang matiyak na ang internet connectivity infrastructures ay nasa tamang lugar upang maabot ang mga Filipino sa mga rehiyon.

 

 

Welcome aniya sa Pilipinas ang pagtulong ng lokal na pamahalaan  sa gobyerno para sa nilalayon nito.

 

 

“So, local governments, and some agencies within the national government, would really take on the initiative and started their own systems so as to be able to communicate. So this has now got to be consolidated and put together,” ang wika ng Pangulo.

 

 

“And that’s where we are right now: forming the databases for government, forming the databases that can be used by the national ID, [and] establishing it now,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulong Marcos na bilisan ang digitalisasyon ng  National Identification (ID) system na maaaring gamitin para sa  public at private transactions.

 

 

Sa ilalim ng Marcos administration, “the government has activated thousands of previously offline areas under the Broadband ng Masa (BBM) and Free Wi-Fi for All programs of the Department of Information and Communications Technology (DICT).” (Daris Jose)

Other News
  • Dimaculungan tawid sa PLDT

    PINALAKAS ni multi-titled volleybelle Rhea Katrina Dimaculangan ang PLDT Home Fibr sa pagtawid dito makaraan ang ilang taong paglalaro sa Generika Ayala Lifesavers at Petron Blaze Spikers sa Philippine SuperLiga (PSL).     Isiniwalat kamakalawa ng Power Hitter ang bagong puwersa na magpapasiklab sa koponan na gagabayan pa rin ni coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb kasunod […]

  • Sara nag-alok ng tulong sa kandidatura ni BBM

    Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakipagkita siya kay dating Senador Bongbong Marcos Jr. sa Cebu para pag-usapan kung paano makakatulong sa kanyang presidential bid sa susunod na taon ang kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).     Kasabay nito, muling iginiit ni Sara na hindi siya tatakbong pangulo sa 2022 […]

  • Request ng mga netizen, ‘di sana romcom: Reunion movie nina SARAH at JOHN LLOYD, kasado na

    KASADO na nga ang balik-tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.   Kinumpirma nga ito ng Viva Artists Agency (VVA) na magkakaroon ng reunion movie ang blockbuster tandem na #AshLloyd     Sa official Instagram account ng VVA pinost nila ang photos nina Sarah at John Lloyd sa Viva office.     May caption […]