CZECH REPUBLIC, KASAMA NA RIN SA TRAVEL RESTRICTION
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
KASAMA na rin ang Czech Republic sa listahan ng mga bansa sa travel restriction, ayon sa Bureau of Immigration (BI)
Ito ang sinabi BI Commissioner Jaime Morente sa isang advisory kung saan magsisimula ang travel restriction 0001H ng Enero 28 hanggang sa katapusan ng buwan.
“We have received a directive expanding the travel restrictions to include aliens coming from the Czech Republic, or those who have been there within 14 days preceding arrival in the Philippines,” “This will take effect 0001H of January 28, until the end of the month,” ayon kay Morente.
Dahil dito, umabot na sa 36 na bansa ang may travel restrictions.
Sa kasalukuyan, ang BI ay nagpapatupad ng travel van sa mga banyaga na may travel history sa loob ng 14 na araw kabilang ang United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, including Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, and the United States.
Kabilang din sa may travel ban ay yaon mga bansa na nagmumula sa Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman.
Kamakailan ang Malacanang ay nag-utos din ng pagbabawal sa United Arab Emirates at Hungary .
Sa datos, noong 2020, mayroon lamang 3,184 na mga Czechs ang pumasok sa bansa bago ipatupad ang travel restriction dahil sa Covid 19 at ang bagong variants. (GENE ADSUARA )
-
Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’
Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4. Ayon kay National Task Force Against Covid-19 […]
-
Malakanyang, umapela sa mga pork vendors na nakiisa sa pork holiday
UMAPELA ang Malakanyang sa mga vendors o manininda sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda. Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tulong ng pamahalaan ay sapat na para maka-survive ang mga […]
-
Hamon ng mga Kongresista… VP Duterte ipaliwanag ‘under oath’ confidential funds, renta sa safehouses
HINAMON ng mga Kongresista si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ‘under oath’ kung saan ginasta ang milyon-milyong confidential funds at sobrang mahal na renta ng mga safehouses na walang mga dokumento. “We are still waiting for the Vice President to explain the need for 34 safehouses in less than two weeks. The public […]