• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA mangangailangan ng P27.1-B para sa mga programa vs ASF, pagpaparami ng baboy sa Phl

Aabot sa P27.1 billion ang kakailanganin na pera ng Department of Agriculture (DA) para sa kanilang mga programa kontra African swine fever at sa pagpaparami ulit ng bilang ng baboy sa bansa sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sa joint hearing ng House Committees on Agriculture and Food at Trade and Industry, sinabi ng DA Usec. Willie Medrano na gagamitin ang P27.1 billion mula 2021 hanggang 2023.

 

 

Sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA), sinabi ni Medrano na P2.6 billion ang alokasyon para sa calibrated repopulation at intensified production, swine breeder multiplier farms, insurance premium, at biosecurity at surveillance program.

 

 

Subalit kulang aniya ang halagang ito at kailangan nila ng P4.297 billion bilang karagdagang pondo.

 

 

Para sa taong 2022, sinabi ni Medrano na P11.340 billion ang kakailanganin nilang pondo, at P9.390 billion naman para sa 2023.

 

 

Ayon kay Medrano, target ng DA na pagsapit ng 2023 ay magkaroon ng 10.5 million finishers mula sa 115,800 farmer beneficiaries ng kanilang mga programa.

 

 

Hangad nilang matanggal sa quarantine ang 90 percent ng 2,100 ASF-affected barangays gamit ang kanilang sentinel approach, at mapalakas din ang production at protection ng mga ikinukonsiderang Green Zones.

 

 

Bukod dito, layon din aniya nilang umabot sa 15.6 million finishers ang masasakop ng insurance mula 2021 hanggang 2023.

Other News
  • ANGEL, walang humpay ang ginagawang pagtulong pero bina-bash pa rin; community pantry, dinumog

    KASABAY ng kaarawan ni Angel Locsin kahapon, Abril 23, nagtayo rin siya ng patok na patok na community pantry para sa pangtawid-gutom ang ating mga kababayan na lalong naghirap dahil sa patuloy na paglaganap ng pandemya.     Sa naging post ng premyadong aktres sa Instagram isang araw bago ang kanyang birthday, “Bilang pagpupugay sa […]

  • Cash incentive para sa olympic gold medalist

    Bukod sa MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ay nangako rin si Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) na bibigyan ng cash incentives ang mga atletang mag-uuwi ng medalya mula sa Tokyo Olympic Games.     Magbibigay ang SMC ng bonus na P10 milyon para sa kukuha sa kauna-unahang Olympic gold medal ng […]

  • Tatanggapin daw ang biopic pag may nag-offer: PIOLO, umani ng sari-saring reaksyon dahil type gumanap na Pres. Marcos

    UMANI ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen ang naging pahayag ni Piolo Pascual, na gusto niyang gumanap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.   Higit na mas marami ang kumontra at sunod-sunod na negatibong komento ng mga netizen. Pati ang mga loyal fans ng Kapamilya actor ay hindi raw sila pabor na gawin ni […]