DA, pinaigting ang pagsisikap para gawing makabago ang sektor ng bigas sa Pinas
- Published on November 30, 2023
- by @peoplesbalita
PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito na gawing makabago ang “rice farming sector” sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pinaigting ng DA ang ginagawa nito para gawing makabago ang pagsasaka, magtayo ng mas maraming agricultural infrastructure at i-adopt ang pinakabagong teknolohiya para i-improve ang rice production, dagdagan ang ani sa sakahan at suplay ng palay, bawasan ang pag-angkat at ibaba ang presyo ng national food staple.
Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Ugnay Palay: The 35th National Rice R4D Conference sa Nueva Ecija na binasa ni Laurel, winika ng Pangulo na ina-adopt niya ang science-based approach sa rice farming para itaas ang ani at makapagtatag ng “a sustainable rice value chain.”
“I am optimistic that all concerned government agencies, partners, and stakeholders will continue to explore ways to enhance existing agricultural technologies to improve and strengthen the rice industry, in line with our goal of a food-secure nation,” ayon pa rin sa naging talumpati ni Pangulong Marcos na binasa ng Kalihim.
“Rest assured that the government shall continue to give primacy to research and development to ensure a sustainable rice value chain. We will also continue to support the initiatives undertaken by the PhilRice in introducing modern agricultural biotechnology to improve rice production,” ayon kay Pangulong Marcos.
Gayunman, sinabi ni Laurel na ang pamahalaan ay “is moving, with a sense of urgency” para palawakin ang irrigation coverage, maglagay ng mas maraming drying facilities at iba pang imprastraktura na kailangan para malakas ang ani ng bigas.
“Ultimately, our aim is to minimize rice importation to achieve food security and sufficiency,” ayon kay Laurel.
Ang pagsusulong naman para sa agricultural modernization ay nakatuon sa equally important sectors gaya ng “livestock, poultry, fisheries at high value crops” para matiyak na ang abot-kaya na food items ay “available at accessible” sa mga Filipino consumers.
Tinukoy ang data ng DA, sinabi ni Laurel na “that with improved rice harvest so far this year, the country has imported around 2.8 million tons, “one million tons less than the volume of grains bought from abroad last year.”
Sinabi pa ni Laurel na ang pagbabawas sa pag-angkat ng bigas at iba pang agricultural products ay dapat na makatulong sa kita ng magsasaka at mangingisda, makalikha ng mas maraming hanapbuhay sa sektor na nakapagbibigay sa isa sa apat na Filipino at baligtarin ang lumiliit na kalakaran sa ambag ng agrikultura sa paglago ng ekonomiya. (Daris Jose)
-
Malakanyang, siniguro na hindi mangyayari sa Pilipinas ang panunuhol ng Sinovac sa ibang bansa
TINIYAK ng Malakanyang na hindi masusuhulan ang mga eksperto sa pamahalaan ng Pilipinas para sa mabilis na pagbibigay ng Emergency Utilization Authority (EUA) sa mga manufacturer ng COVID vaccine. Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang mapaulat ang sinasabing pagkakasangkot ng kumpanyang Sinovac sa ibang bansa, para mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang […]
-
8 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela
ISINELDA ang walong katao, kabilang ang isang bebot matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City. Sa kanyang report kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni investigator-on-case PCpl Glenn De Chavez na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba […]
-
“crazy Time%3A Прибыльная же Увлекательная Игра с Живым Дилеро
“crazy Time%3A Прибыльная же Увлекательная Игра с Живым Дилером Играйте В Crazy Time На Реальные деньги Content Крейзи Тайм Игра На Деньги Pachinko Крейзи Тайм Слот Crazy Time Live — Краткая Информация Скачать Crazy Time что Такое Многоигровой Режим В Crazy Time%3F общей Стратегия Ставок в Crazy Time Всегда Помните про Бонусные Игры! раза Основные […]