• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAGDAG KAPAPASIDAD SA SIMBAHAN PARA SA VACCINATION WALANG PINAG-USAPAN

WALA umanong napapag-uasapan kung may kahilingan ang  Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dagdagaan ang kapasidad ng mga simbahan  para sa vaccination program ng pamahalaan.

 

Ayon kay Manila  Vice Mayor  Honey Laguna-Pangan sa ginanap na virtual forum ng Department of Heatlh (DOH) , ang napag-uasapan lamang aniya ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Bishop Broderick Pabillo  ay ang iniaalok na mga simbahan at mga eskuwelahan na maaring gawing vaccination sites.

 

Ito ay kasunod umano ng panawagan na dagdagan ang kapasidad sa simbahan .

 

Sinabi pa ni Laguna-Pangan na  wala namang nabanggit si Bishop Pabillo sa kanila na humihiling sila na taasan o dagdagan ang kapasidad sa simbahan.

 

Ang 50% capacity  na ibinigay naman aniya sa kanila ay tolerable naman vaccination program  dahil kaya naman aniyang  ipatupad ang health protocol .

 

Napag-usapan lamang aniya na tutulong  ang Simbahan kung saan bubuksan ang kanilang mga schools at churches para makatulong sa vaccination site para sa lungsod ng Maynila.

 

Sinabi naman ni Health Usec Maria Rosario na kailangan pa ring dumaan  sa IATF ang mga ganitong bagay .

 

Ayon kay Vergeire, kapag may nagre-request na mga sector para magkaroon ng kaunting kaluwagan sa itinalagang pamantayan ng IATF ay kailangan munang dumaan sa proseso.

 

Kailangan lamang umanong magsumite ng request letter sa IATF upang matalakay ng mga opisyal. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Maraming Pinoy fans nadismaya dahil sa bigong kunin ng mga NBA teams si Kai Sotto

    MARAMING mga Pinoy fans ang labis na nadismaya matapos hindi kinuha ang Pinoy seven-footer na si Kai Sotto sa ginanap na 2022 NBA Draft.     Mula kagabi hanggang kaninang tanghali ay naging top trending topic si Sotto dahil sa pagbuhos ng mga panawagan at suporta ng mga Pinoy fans sa iba’t ibang dako ng […]

  • Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad

    Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya […]

  • Pagtugis sa 2 suspek sa karumal-dumal na pagtay sa Caloocan, pinaigting

    PINAIGTING ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station (CCPS) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa isang lalaki sa Barangay 176, Bagong Silang. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ang mga suspek na sina alyas […]