Dahil ayaw magpa-kiss sa eksena nila ni David: BARBIE, natawa sa nam-bash na ‘di siya magaling na aktres
- Published on September 12, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAKATAWA ‘yung na-bash si Barbie Forteza na dahil hindi siya nakikipag-kissing scene kay David Licauco sa ‘Pulang Araw’ ay hindi na raw mahusay na aktres si Barbie.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ’24 Oras Weekend’ una muna ay sumagot sina Barbie at David ng mga questions tungkol sa bawat isa.
Ani David, “Kahit sino naman ang i-partner kay Barbie magki-click, magaling siya e.”
Ayon naman kay Barbie, “Siguro kasi si David ay ano siya e, nonchalant. So katulad ngayon kahit everyone around him is praising him, hindi niya ipinapaabot sa ulo niya.
“And he’s more focused on improving his work, his craft. And nakikita mo rin sa kanya yung willingness niya.”
Napag-usapan nga ang tungkol naman sa ilang namba-bash sa kanila.
Natatawang lahad ni Barbie, “Nagba-bash. Hindi raw ako magaling na actress kasi hindi raw ako nagpapa-kiss.
“Ayun pala ‘yung batayan?”
Napanood sa August 23 episode ng ‘Pulang Araw’ ang mga karakter nina Adelina (Barbie) at Hiroshi (David) na naghahalikan.
At sa X (dating Twitter) account ni Barbie ay nag-post ito ng… “Actually habang iniintay namin ni David ng ‘magkakiss’ bago lumabas si Sanya sa eksena, di ko sure kung dapat ba pumikit ako o dumilat kase si David, nakadilat at nakatingin lang saken. BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!!
“Nataranta si self ng very light hahahaha!!!”
***
ANO ang masasabi ni Allen Dizon tungkol sa mga komento ng nakapanood ng ‘Guardia De Honor’ na isa ito sa best na nagawa ni Allen pagdating sa pag-arte.
Pagsang-ayon ni Allen, “Yes of course, of course! Parang, feeling ko rin, ako rin, after kong mapanood kanina alam kong ginawa ko yung best ko sa film at ginawa ko kung ano yung hiningi ng direktor at kung ano ang hiningi ng script at kung ano ang hiningi ng mismong mundo ni direk Jay, nagampanan ko ng maayos.”
May tuhog na eksenang heavy drama si Allen sa pelikula, at pinuri si Allen ng co-star niya, ang mahusay na actress/director na si Laurice Guillen, sa naturang eksena.
Ano ang masasabi ni Allen?
Aniya, “Siyempre para purihin ka ng isang Laurice Guillen na direktor, siyempre nakaka-inspire, nakakataba ng puso.
“Siyempre mas the more na pagbubutihan ko pa sa mga gagawin kong pelikula.
“Kasi iyon nga pagdating sa mga eksenang medyo mas challenging siyempre mas nagpe-prepare ako and siyempre kung paano yung gusto ng direktor kung paano yung…
“Actually pagdating kay direk Jay parang hinahayaan ka na lang niya e, kung anong gusto mong gawin, kung paano yung atake mo e.
”So ako iyon ang naisip kong gagawin ko dun sa eksena kaya natuwa naman ako dahil nagustuhan ni direk Jay and of course ni direk Laurice.”
Bukod sa ‘Guardia De Honor’, may isa pang pelikula si Allen, ang ‘Fatherland’ na kasalukuyang tinatapos.
Patuloy pa rin siyang napapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa GMA.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Gilas tutok na sa Saudi
SESENTRO na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Saudi Arabia ngayong gabi sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia. Maghaharap ang Pilipinas at Saudi Arabia sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng madaling-araw sa Maynila) kung saan target ng Gilas Pilipinas na walisin ang dalawang misyon […]
-
CHED, gustong i-digitalized ang scholarships, ibang serbisyo
PALALAWAKIN ng Commission on Higher Education (CHED) ang digitalization efforts ng administrasyon para ma-cover ang mas marami pang serbisyo kabilang na ang scholarship. Ang pahayag na ito ni CHED chairperson Prospero de Vera III ay matapos tintahan ng CHED at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang memorandum of understanding (MOU) para […]
-
P154 B railway project bukas sa PPP
MULING naging interesado ang mga pribadong sektor na mag-invest sa dalawang proyekto sa railways na nagkakahalaga ng P154 billion sa ilalim ng public-private partnership (PPP). “The policy shift to PPP could pave the way for private proponents of the East-West rail project and the Metro Rail Transit Line 11 (MRT-11) project to pursue […]