Dahil ‘di nagsabi na makikipag-live in sa boyfriend… OGIE, naging open sa naging sama ng loob sa anak na si LEILA
- Published on August 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAGING open si Ogie Alcasid sa naging sama ng loob nito sa kanyang panganay na si Leila Alcasid nung makipag-live in ito kasama ang boyfriend na si Mito Fabie.
Si Leila ay anak ni Ogie sa ex-wife na si Miss Australia 1994 Michelle Van Eimeren.
“Ito naman ay open naman ito, ‘yung panganay ko actually bumukod, na ikinasama ng loob ko at sinabi ko sa kanilang dalawa ng boyfriend niya, ‘Bakit hindi kayo nagsabi sa akin?’ E alam mo naman ang kabataan, hindi magsasabi ‘yan e at lalo mong pipigilin, gagawin pa rin nila.
“Hanggang sa sinabi ko, ‘Alam n’yo, masama ang loob ko sa inyo na nagawa n’yo yan. Pero gayunpaman, kayo ay nag-a-adulting na, gawin n’yo ‘yan, bahala na kayo sa buhay n’yo.’” sey ni Ogie.
Gusto lang daw ni Ogie na magampanan ang papel niya bilang magulang sa kanyang mga anak.
“Kami bilang magulang, nandiyan lang kami, naghihintay lagi kung kailan n’yo gusto bumalik. Halimbawa lang, may nangyari sa kanila na hindi sila magkatuluyan, nandoon ka pa rin mag-aabang, gano’n ang role namin.
***
BACK-TO-SCHOOL din ang singer-actress na si Geneva Cruz.
Sa kanyang Instagram, pinost ni Gen ang photo niya bilang student with matching school ID sa Philippine Christian University sa Manila.
Business Administration ang kurso ni Gen sa PCU. Nasubukan daw niyang maging college student noon sa UST, pero kailangan niyang mag-drop sa kurso niyang AB Literature dahil nabuntis siya noon kay Heaven.
Noong magkaroon siya ng second child, pinlano na ni Gen ang pagbalik niya sa college para magkamit ng diploma.
“I needed to prioritize finishing a degree. I strongly believe in setting a positive example for my children, which drives me to dedicate time to pursuing my educational goals. It took me a long time to finally return to school and strive to complete college,” sey ni Gen na na-inspire rin sa singer na si Ronnie Liang na nakapagtapos ng ilang kurso sa kolehiyo.
***
SI Katy Perry ang tatanggap ng Video Vanguard Award sa MTV Video Music Awards on September 11.
Kasabay din nito ang pag-perform ni Katy ng new single niya na “Lifetime”.
Ang mga naging receipients ng award ay sina Shakira, Beyoncé, Nicki Minaj, Madonna, Rihanna, Janet Jackson, LL Cool J, Jennifer Lopez, Justin Timberlake, Missy Elliott and Michael Jackson.
This year’s VMAs, si Taylor Swift ang nanguna with 10 nominations. 9 naman ang natanggap ni Post Malone; 6 for Ariana Grande, Eminem and Sabrina Carpenter; 5 for Megan Thee Stallion and SZA; and 4 for Olivia Rodrigo, Lisa and Teddy Swims.
(RUEL J. MENDDOZA)
-
Marcos spokes Vic Rodriguez, tinanggap na ang alok bilang next Executive Secretary
TINANGGAP na ni Atty. Vic Rodriguez, ang nominasyon bilang susunod na Executive Secretary, siya ang chief-of-staff at spokesperson ni Presumptive President Ferdinand “Bong Bong” Marcos. Ang anunsiyo hinggil sa nominasyon ni Rodriguez ay inanunsiyo ng kampo ni Marcos ngayong araw sa pamamagitan ng isang statement. Si Rodriguez ay 48-anyos at tinaguriang […]
-
PBBM, umaasa na matitigil na ang 4Ps dahil sa food stamp program
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matutuldukan na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa food stamp program. “Sana. Ibig sabihin kasi pag kaya na natin itigil ‘yan, sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun. Pero kahit papano kung minsan tinatamaan halimbawa ng bagyo, tinatamaan ng peste, […]
-
Negosasyon ng pamahalaan sa Pfizer, nagiging mabusisi
SINABI ng gobyerno na lawyer to lawyer ang magiging transaksiyon sa kasalukuyan ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer. Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez , itoy dahil na rin sa mahigpit na patakaran ng Pfizer lalo na sa isyu ng indemnification. Sa kasalukuyan ay halos tapos na ang negosasyon sa pitong kumpanyang maaaring […]