Dahil dumaan din sa depresyon: Fil-Canadian model na si RANDALL MERCURIO, gustong maka-inspire ng mga kabataan
- Published on May 22, 2023
- by @peoplesbalita
AMINADO ang 24-year-old Filipino-Canadian model na si Randall Mercurio nakaranas din siya ng depresyon noong panahon ng pandemya na kung saan may nangyari na hindi maganda sa kanilang pamilya.
Sa Homecoming Media Launch na hinanda para sa kanya nina Rose Hapin ng RH Productions Canada/Philippines, naikuwento niya ang pinagdaanang depresyon.
Dati pa ay active na siya sa mental health group dahil advocacy niya ito. Kaya hindi niya akalain na makararanas ng depression.
“When I was there (Alberta, Canada), my lola died and we didn’t even get to see her at her last moment. Kasi pandemic po noon, kaya hindi kami pinayagang makauwi sa Olangapo.
“After po noon, doon ko na-feel na kahit meron akong mga kasama, biglang iiyak na lang. Pero noong na-realize ko na pag pinagpatuloy ko na gawin ‘yun, hindi siya magiging happy up there.”
Sabi pa ng self-taught fashion designer, “pero when I get through that depression, I found friends there and continued what I loved. “Tapos doon ako nag-decide na kaya kong maging inspiration sa iba. Kung nagawa ko, puwede kong sabihin na kaya din nila.”
Dagdag pa ni Randall nagwaging Mr. Globalmodel International Canada 2023, “Ayaw kong lumabas. Ayaw ko ng tao. Ayaw ko noong mga mayroong nagtatanong sa akin kung okay ako. Feeling ko that time, lahat ng mga tao tinatawanan ako.”
Kuwento pa ng dancer at singer din, “ngayon na lang talaga nawala. Unti-unti. It’s important na nire-recognize natin ‘yung nararamdaman natin. At ang pinaka-importante ay pahinga. Isa sa mga nakatulong sa akin to recover ay pahinga.
“Kaya dapat mas mahalin ng mga kabataan o sinuman sa atin ang sarili. Sa oras na minahal mo ang sarili mo, makakapag-reflect kung ano ba talaga ang purpose mo.
“Kapag masyado mong inisip ‘yung ibang tao, mawawalan ka ng time para sa sarili mo. It starts po talaga with yourself.”
Samantala, si Randall ang representative ng Filipino-Canadian community sa Misters of Filipinas Fil-Com Canada 2023 pageant na siya mismo ang gagawa at magdidisenyo ng kanyang national costume na ang inspirasyon niya ang mga OFW.
“Gusto ko talagang ma-inspire ang mga mas nakababata sa akin. I want them to realize na mayroong purpose,” tugon pa ni Randall na isa rin palang licensed Architecture at nagtapos last year with honors ng Architectural Design sa Lethbridge College Alberta, Canada.
“Sa national costume ko, ang inspiration is OFWs. It is my way of paying tribute to all the hardworking OFWs. Malapit sa puso ko ito. Sobrang halaga. Bata pa lang po kasi ako, ang naiintindihan ko lang, iniwan kami ni Papa, wala siya sa tabi ko to work abroad. Sobrang nakatulong siya talaga sa amin. Hindi naman namin mararating ang success kung hindi dahil sa hardwork ng father ko.
“Hanggang sa nag-work na rin ako abroad, doon ko lang na-realize kung gaano kahalaga at kalaki ‘yung ginawa niya for us na nakatulong talaga sa future namin,” dagdag pa ni Randall na finalist sa 2022 Faces West Vancouver Modelling Competition at finisher sa 2022 Chan International Edmonton talent boot camp.
Goodluck Randall!
(ROHN ROMULO)
-
PBBM, labis na nabahala sa Paeng death toll sa Maguindanao
NAGPAHAYAG nang labis na pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa mataas na fatality count sa Maguindanao province dahil sa pagbaha sanhi ng pananalasa ni Severe Tropical Storm Paeng. Sa isinagawang full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), araw ng Sabado, Oktubre 29, hiningan ng reports ng […]
-
Pacquiao-Spence fight kasado na sa Agosto
Walang iba kundi si World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. ang makakasagupa ni eight-division world champion Manny Pacquiao. Matapos ang ilang buwan na paghihintay, kinumpirma mismo ni Pacquiao ang laban nang gulantangin nito ang lahat sa kanyang post sa social media. Walang caption […]
-
Nakaranas nang matinding ‘himala’ mula sa Panginoon: AICELLE, dalawang Santos ang makakalaban sa pagka-Best Actress
“ANG himala po sa buhay ko na lagi kong ikinukuwento sa mga kakilala o hindi ay mirakulo ng pagpapagaling ng Panginoon sa aking pamilya,” pagbabahagi ni Aicelle Santos na gumaganap na Elsa sa ‘Isang Himala’. “Meron akong kapatid, 21 years old, isa na siyang cancer survivor. Siya po ay pinagaling ni Lord from […]