Dahil mas slim na ngayon ang katawan niya: AIKO, napagkamalan ng netizens na siya ang anak na si MARTHENA
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL sa mas slim na katawan ni Aiko Melendez ngayon, napagkamalan siya ng netizens na ang anak niyang si Marthena.
Nag-post ang actress and Quezon City councilor sa kanyang Instagram na naka-denim shorts at red top habang nasa isang resort ito sa Pangasinan.
Kitang-kita ang malaking ipinayat ni Aiko kaya naman inakala ng maraming nag-like sa post niya na siya ay ang dalaga niyang anak na si Marthena.
Caption pa ani Aiko: “Wake up and Smile and say that today is your day. Truly had an amazing stay at @dasolbeachvillas. Quick but meaningful. Salamat sa nga staff na nag asikaso sa amin. Thank you sis Konsi Monette And Allan. We will come back again soon.”
Nakakuha ang post ni Aiko na almost 8,000 likes at sunud-sunod ang comments na mas bagets tingnan ang aktres ngayon at lookalike sila ni Marthena.
Naging goal nga ni Aiko noong magkaroon ng pandemic na tututukan niya ang kanyang kalusugan. Malaki na raw ang nawala sa timbang niya at maingat na siya sa mga kinakain niya. Kailangan daw kasing maging malakas ang katawan ni Aiko dahil muli siyang nagsisilbi bilang publoc servant sa Quezon City.
Huling napanood si Aiko bilang si Kendra sa ‘Prima Donnas’ Book 2.
***
NAG-TURN 27 si Kiray Celis noong nakaraang July 29 at naging simple lang daw ang naging celebration nito kasama ang kanyang pamilya sa isang yacht.
Thankful ang Kapuso comedian sa mga project na binibigay sa kanya, tulad ng ‘Return To Paradise’ kunsaan gumaganap siyang best friend ni Elle Villanueva.
Inamin ni Kiray na nainggit siya sa tambalan nila Elle at Derrick Monasterio sa naturang teleserye. Wish daw niya na noong lock-in taping nila sa isla ay nandoon din daw sana ang boyfriend niyang si Stephan Estopia.
“Wala naman akong magawa kundi mainggit, ‘di ba? Dahil ang layo namin at wala doon si jowa! Pero bumawi naman siya sa akin noong nakauwi na ako. Na-miss daw niya ako dahil ang tagal din ng lock-in taping namin,” kilig-tawa pa ni Kiray.
May napansin din daw siya lately sa kanyang boyfriend dahil tuwing pupunta raw sila sa mall, panay daw ang tingin nito sa mga singsing. Ayaw naman daw mag-assume si Kiray na engagement ring ang tinitingnan nito.
Wala naman daw ini-expect pa si Kiray na anumang proposal mula sa kanyang boyfriend. Na kay Stephen daw ang desisyon kung kelan niya gagawin ito at hindi raw niya ito ipe-pressure.
***
PUMANAW na sa edad na 89 sa Silver City, New Mexico ang groundbreaking American Black actress noong dekada ’60 na si Nichelle Nichols o mas kilala bilang si communications officer Nyota Uhura ng 1960s cult series na Star Trek.
Ang anak ni Nichols na si Kyle Johnson ang nag-announce nito sa official uhura.com website: “Last night, my mother, Nichelle Nichols, succumbed to natural causes and passed away. Her light, however, like the ancient galaxies now being seen for the first time, will remain.”
Bumuhos ang tribute para kay Nichols mula sa mga nakasama niya sa Star Trek at sa mga Trekkies or fans ng kanilang show. Ginampanan niya ang role na Uhura sa 4 seasons ng series at sa anim na pelikula nito.
Nichols made history dahil sa first interracial kisses on US television with Star Trek Enterprise’s Captain Kirk, played by William Shatner. Noong panahon na iyon, ang mga Black actors ay typecast as servants and criminals on television and film. Pero binago iyon ni Nichols at isa sa pumuri sa kanyang tapang ay ang American Baptist minister and activist na si Martin Luther King Jr.
Trained sa ballet and musical theater si Nichols. Nakatrabaho nito si Sammy Davis Jr. sa musical na ‘Porgey and Bess’, nakapag-record ng album at huli siyang lumabas sa TV series na ‘Heroes’.
Nagtrabaho rin si Nichols bilang recruiter for NASA at na-empower niya ang maraming talented African-Americans and women of all races na magkaroon ng career sa naturang space agency.
Ang pangalan niya sa Star Trek na Uhura ay ibig sabihin ay freedom in Swahili, ang native language sa Africa.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Inamyendahang substitute bill sa kaunlaran at pagsusulong ng mga malikhaing industriya sa Pilipinas aprubado
Inaprubahan ng House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts sa Kamara, na pinamunuan ang substitute bill na naglalayong isulong at paunlarin ang mga malikhaing industriya sa Pilipinas. Ang substitute bill ay para sa House Bill 4692, na iniakda ni Tarlac Rep. Victor Yap, HB 6476 ni Tarlac Rep. Carlos Cojuangco, at […]
-
Tiyak na magmamarka rin sa kanilang pelikula: DIMPLES, sobrang taas ng respeto kina JAKE at SEAN
GIVEN na ‘yung eksena sa pagitan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa 2020 MMFF entry na “My Father, Myself” na magmamarka sa trailer. Pero sigurado kaming hindi rin pwedeng hindi magmarka ‘yung scene ni Dimples Romana at ‘yung binitawan niyang linya. Sabi namin sa kanya, isa siya sa kilalang mahusay at trusted actress […]
-
2 drug suspects tiklo sa P64K droga sa Caloocan at Malabon
SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P60K halaga ng droga makaraang matimbog sa Caloocan at Malabon Cities. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Arseña St. […]