Dahil nagamit at ‘di pagrespeto sa official seal ng siyudad: AIAI, dineklarang ‘persona non-grata’ sa Kyusi kasama si Direk DARRYL
- Published on June 9, 2022
- by @peoplesbalita
MAY resolusyon na ibinaba ang Quezon City na persona non-grata na ang Kapuso comedienne na si AiAi delas Alas at ang director na si Darryl Yap sa buong siyudad.
Ang dahilan, dahil sa ginawa nilang content during election campaign kunsaan, gumanap si AiAi bilang si Ligaya Delmonte na tila pagpo-portray ng hindi maganda sa incumbent at nanalong Mayor muli ng QC na si Joy Belmonte. Pero more to that, nagamit kasi ang official triangular seal ng siyudad na edited at naiba.
As much as some netizens, especially yung mga BBM supporters ay nagsasabing O.A. at bitter lang daw dahil natalo ang Konsehal na nagsampa ng resolusyon at may pumupuri rin kay AiAi sa ipinost nitong Tiktok dance video hanggang sa kanyang Instagram na “Unbothered,” marami pa rin ang nababasa namin at nagko-comment na “Dasurrrvvv!!!” meaning deserve lang daw ng comedy actress at ng director na maging persona non-grata.
Sa isang banda, tila ipinapakita nga ni AiAi na ngayon ay nasa America kasama ang kanyang mister na dedma siya o para ipakita na happy lang siya at yun nga, unbothered.
Pagkatapos ng caption niya, nag-post ito ng mga hashtags na “Happy wife happy life,” “good vibes,” “los angeles” at “enjoy life.”
Ang balita namin, naka-planong bumalik na agad si AiAi sa bansa from the U.S., so let’s see kung dahil sa resolution na ito ay magkaroon ng pagbabago or sadyang wala siyang paki lalo pa nga’t sabi nga ibang mga comments ng netizens, “siyempre tutulungan sila ni BBM at pakikiusapan si Mayor Joy na ma-lift ang ban sa kanila.”
***
KITANG-KITA namin sa FDCP Chairman na si Liza Diño ang fulfilment sa nakaraang anim na taon ng Film Development of the Philippines kunsaan, siya ang tumayong Chairperson.
In fairness naman kasi, isa talaga si Liza sa napakaraming nagawa sa FDCP. Nandiyan ang 100 years ng Philippine Cinema, bukod pa sa 20th year ng FDCP. Nag-celebrate rin ng Philippine Film Industry Month.
“Parang every year, may something to celebrate. But I see it as an opportunity para ma-push ang mga program na magawa,” sey niya.
Bukod dito, na-hit din ng pandemic ng mahigit dalawang taon na ang industriya at nagpatuloy lang si Liza at ang FDCP na mapagpatuloy pa rin ang film industry.
At ngayong iba na ang administrasyon, si Liza ang isa sa mga sangay ng gobyerno na nabigyan ng panibagong reappointment
Kaya sabi nga niya, “So far, may trabaho pa naman ako. I am officially reappointed. Pero siyempre, at the end of the day, as a Presidential appointee, the new President really has the prerogative kung gusto nilang i-replace.”
Pero tapos na raw silang mag-submit kay BBM ng mga manifestation nila para makapagpatuloy pa rin sila.
Tuloy-tuloy lang nga si Liza at ang buong FDCP na ngayong buwan ng June ay busy naman para sa June’s pride month sa pamamagitan ng PeliKULAYa: International LGBTQIA+ Film Festival sa pamamagitan ng hybrid format mula June 10 hanggang June 26.
***
EMOSYONAL pa rin ang buong cast ng Pepito Manaloto na ngayon ay magbabalik na muli sa ere.
Ang Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento, ang isa sa paboritong sitcom sa Kapuso network ay mapapanood na nga muli simula sa Sabado.
Pero hindi pa rin mapigilan ng cast na kinabibilangan nina Michael V, Manilyn Reynes, Chariz Solomon, Mosang, Arthur Solinap, Jake Vargas ang maging emosyonal na maalala ang namayapang director ng show na si Direk Bert de Leon.
Aminado ang lahat na iba raw talaga, lalo na sa unang araw na nag-taping sila na wala na ito.
Pero siyempre, tulad ng title ng show, “tuloy ang kuwento,” ano man ang nangyari, tuloy-tuloy pa rin silang magpapatawa.
Naging open din ang cast na nang magkaroon ng pandemic at hindi sila nakapag-taping, pinalitan muna sila ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Pinuri nila ang mahusay na pagkakagawa nito, pero inaming kinabahan din kung makakabalik pa ba sila na mga original cast.
(ROSE GARCIA)
-
Roland Emmerich’s Next Disaster Film, ‘Moonfall’, Unveils New Character Posters
ROLAND Emmerich’s upcoming disaster film, Moonfall, shares new character posters. Emmerich is no stranger to the disaster genre, having previously helmed Independence Day, The Day After Tomorrow, and 2012, with this new project set to continue the trend. Moonfall sees the Moon knocked from its orbit and sent on a collision course with Earth. With only weeks until impact […]
-
Reflect on lies, overcome bitterness
PINASARINGAN ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kanyang mga kritiko na nagpakalat at pumuna na ginamit niya ang presidential chopper para sa kanyang personal trips. Sa isang kalatas, sinabi Duterte na umaasa siya na magmumuni-muni sa kanilang mga kasinungalingan ang mga taong nasa likod ng malisyosong pahayag na ito. […]
-
‘Godfather’ ng POGO sa Pinas, timbog!
NADAKIP ng mga tauhan ng Presidential Anti-Orga¬nized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) kamakalawa ng gabi ang itinuturing na “big boss” ng Lucky South 99 na nag-o-operate ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga. Ayon kay PAOCC chief Usec. Gilbert Cruz, si Lyu Dong alyas Hao Hao, Boss Boga, […]