Dahil nasa crucial age pa ang anak na si Night: RYZA, nahihirapang umalis kaya inaral kung paano tumakas
- Published on March 16, 2023
- by @peoplesbalita
NEXT chapter na ang pitong taong relasyon nina Ejay Falcon at Jana Roxas.
Pero ayon kay Ejay, sa March 25 na nga ang kasal nila at sa may Taguig nila ito gagawin.
Kahit na Bise-Gobernardor ng Mindoro, sa Manila na raw nila piniling magpakasal.
Ayon dito, “Mahihirapan kasi kapag ‘yung mga galing ng Manila ang pupunta ng Mindoro. Kakailanganin din na sumakay pa ng barko. ‘Yung mga taga-Mindoro naman, okay sa kanila na sa Manila, excited silang magpunta.”
Hindi muna nagbanggit ng mga pangalan si Ejay sa mga napili nilang ninong at ninang sa kasal, gayundin sa mga entourage. Ang sabi niya lang, “May mga sponsors na galing sa public servant, meron din mga artista rin. May mga abay rin po ako na naka-work dati.”
Pero ang sinigurado nito, si Joseph Marco ay isa sa mga abay niya. At ‘di malayong ang mga kaibigan din n’ya na sina Jake Cuenca at Aljur Abrenica.
***
“MEDYO,” pa rin ang natatawang sagot ni Ryza Cenon nang tanungin namin kung full blast na ang pagbabalik niyang muli sa pag-arte.
Halos tatlong taon din siyang masasabing namahinga at nag-focus sa pagpapalaki ng kanyang anak sa partner na si Miguel Cruz na si Night.
Pero sey niya rin, “Papunta na po do’n. Kasi, sinimulan sa mga guesting muna. Kasi nga, medyo ‘yung age kasi ni Night, medyo crucial pa. Ang hirap pang tumakas, so medyo nakikipaglaban ka talaga sa kanya.
“So, ang hirap umalis ng bahay kapag gano’n ang situation. Pero ngayon, medyo naaaral ko na kung paano tumakas. Ha ha ha! Nama-master ko na siya.”
Ngayong mommy na siya, magkakaroon na siya ng mga limitasyon?
“Well, sabi ko nga po sa interview, hindi naman limitation pero depende sa story. Kung hinihingi ng istorya na magpa-sexy ka, bakit hindi naman?
“Like sa ‘Manananggal’, hinihingi ng istorya. Hindi siya makakapag-transform kung hindi siya magma-masturbate, so gagawin ko siya kasi kailangan.
“Pero ‘yung pa-sexy lang talaga, tapos walang istorya, ay, pass na po ako ro’n,” sey niya.
Sa isang banda, palabas na sa mga sinehan ang “Kunwari… Mahal Kita” na pelikula niya with Joseph Marco at may bago siyang teleserye, ang “Kurdapya” ng TV5.
(ROSE GARCIA)
-
Ads August 29, 2023
-
PBA prayoridad ang kaligtasan ng lahat
WALANG balak ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na isugal ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials matuloy lamang ang PBA Season 46 Governors’ Cup. Naghihinayang si Marcial dahil maganda na sana ang takbo ng liga noong nakaraang taon. Maliban sa tuluy-tuloy na mga laro, nabigyan na ng pagkakataon […]
-
Target population para mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa NCR, nasa 100% na – MMDA
Naabot na raw ng National Capital Region (NCR) ang 100 percent na target population para mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila raw ay mayroong elligible population na 9.8 million. Labis na ikinatuwa ni Abalos ang naging […]