• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil palaging nakatuon kay Baby Bean: ANGELICA, nag-emote dahil ‘di madalas kamustahin ng mga dumadalaw

MAY emote pala ang actress na si Angelica Panganiban. 
Although, hindi naman niya tinukoy sa kanyang Instagram stories kung sino o kung kaibigan ba o kapamilya ang tila pinaparinggan niya.
Tila naghahanap si Angelica ng “dalaw” pero yung dalaw na siya talaga ang pinunta, hindi raw para makita lang ang anak nila ni Gregg Homan na si Baby Bean.
Nag-post kasi ito ng video na nagsasabing dapat, kapag dinadalaw ang kapapanganak lang na nanay, mas maiparamdam dito na siya ang talagang dahilan ng pagbisita.
At may laman ang caption niya na, “Hmmm… until now hindi pa din ako madalas kamustahin ng mga fersons. All they want is to see my baby. But not really “visiting” me. Not a single text about how my hip injury.
“If I still have postpartum blues. But nasasanay naman ko. Pero walang gulatan kung lumalayo loob ko ha?”
Hala… may warning na.
***
DINALAW namin ang actress na si Angelu de Leon na ngayon ay number 1 Councilor ng Pasig City sa kanyang opisina.
Aliw na aliw kami kasi, parang ibang mundo since first time namin siyang nakita in action as councilor. Ilang meeting din ang na-witness namin.
Nakatutuwa kasi, kahit ibang-iba sa mundo ng showbiz, ang bilis na naka-adapt ni Angelu sa public service. Araw-araw raw siyang pumapasok dahil sey pa niya, “mahihiya kang hindi magsipag dahil ‘yung Mayor mo, napakasipag.”
Ang Mayor na tinutukoy niya ay si Pasig City Mayor Vico Sotto.
After nga ng halos dalawang taon na tutok siya talaga sa pagiging Konsehal ng Pasig City and since nakapag-adjust na rin siya, tumatanggap na rin si Angelu ng ilang acting offer.
Nakagawa siya ng “Magpakailanman” at excited siya sa gagawing Philippine adaptation ng Korean movie na “Sunny.”
Kuwento ng pitong magkakaibigan from High School at maganda ang role niya, parang sa character niya naka-angkla ang tatakbuhin ng kuwento.
But what really excites her, para raw itong reunion ng 90’s VIVA stars from “Kadenang Bulaklak” to “T.G.I.S.” dahil kasama rin sina Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Ana Roces, Vina Morales at iba pa.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Contingency fund ng OP, hindi gagamitin para sa pangangampanya

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na hindi niya gagamitin ang contingency fund ng Office of the President (OP) para pondohan ang pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa Eleksyon 2022.   Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng napaulat na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na may […]

  • Welder kulong sa ice pick at shabu sa Valenzuela

    NABISTO ang dalang shabu ng isang 43-anyos na welder matapos masita ng mga pulis dahil sa bitbit nitong isang improvised ice pick sa Valenzuela City.     Nahaharap sa kasong pagpabag sa Article 151 of RPC, PB6 at RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Malvin Malatamban  ng Phase 2 Hambord St. Brgy. Lawa […]

  • SSS, muling inilunsad ang pension boosters

    MAAARING mag-invest ang mga miyembro ng Social Security System sa kanilang pension fund dahil muling inilunsad ng SSS ang kanilang Pension Booster program.       Kilala noon bilang Workers and Investment Savings Program o WISP at WISP Plus, sinabi ni SSS President at CEO Rolando Macasaet na hinihikayat nila ang mga professionals at middle […]