• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa korapsyon, 5 hanggang 6 na Cabinet members, sinibak sa puwesto

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may lima hanggang anim na miyembro ng kanyang gabinete ang sinibak nito dahil sa korapsyon.

 

 

“When I became President, I heard reports of corruption. So si [Acting Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for them for this to have happened. But you know, whether you helped me during the elections or contributed something good, I am very thankful,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.

 

 

“Pero alam mo maski kaibigan tayo, I have fired—hindi lang ninyo alam, hindi kasi ako mahilig ng … I’m not fond of announcing to the media pero about—in the process, I’ve fired five or six Cabinet members because of corruption,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Aniya, matagal na niyang sinibak sa puwesto ang mga nasabing cabinet officials na hindi naman nito pinangalanan.

 

 

“I’m not campaigning, I’m just talking about what ails the system. I’m not even naming names, but to those who are listening now, did you know about this? But if you ask me, I’ll say who are the Cabinet members that I fired. I fired them a long time ago. I’ve probably fired around six of them—an unholy hour, I really—nagbuhos din ako ng sama ng loob,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“You know, kaibigan tayo, I invited you in hoping that you could help me. O if you helped me, then it’s coupled with corruption, talagang sabi ko you know you have to go. It pains me deeply too but I never realized that you are capable of doing it because I thought all the while na pag-usapan natin dito, ‘yung tama lang,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 24, 2024

  • Ads October 30, 2020

  • Panawagan ni Alvarez, pangungutya sa intergidad, propesyonalismo ng AFP, PNP -Año

    MALINAW na pangungutya sa integridad at propesyonalismo ang naging panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na bawiin ng mga ito ang kanilang suporta mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     “Both institutions are loyal to the Constitution, the rule […]