DAILY AVERAGE NA KASO NG COVID, NAG-PLATEAU NA
- Published on November 24, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na nag-plateau na ang daily average ng tinatamaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na linggo kung saan nagpapakita nang malaking pagbagal sa pagbaba ng mga kaso.
Mula sa 404 noong Nobyembre 1 hanggang 7, bumaba sa 435 ang arawang kaso nitong Nobyembre 8 hanggang 14 na bumaba pa sa 315 sa nakalipas na Nobyembre 15 hanggang 21, base sa datos ng DOH.
Kapareho rin ayon kay Vergeire ang sitwasyon sa iba pang rehiyon sa bansa maliban sa iba pang bahagi ng Luzon na tuloy ang pagbaba ng mga kaso bagama’t kinakikitaan na rin nang pagbagal
Sa datos pa ng DOH, bumaba sa 1,436 ang average na naitatalang kaso sa bansa nitong Nov 15 hanggang 21
Mula ito sa 1,986 na arawang kaso na naitatala noong Nov 8 hanggang Nov 14. GENE ADSUARA
-
5 timbog sa halos P1 milyon shabu
LIMANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong babae ang arestado matapos makuhanan ng halos P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Malabon cities, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 2 ng madaling araw nang madamba ng mga operatiba ng […]
-
Pacquiao vs Ugas: ‘We’re going to give a big gift to the fans’
Nagkaharap-harap sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual press conference sina Sen. Manny Pacquiao at ang bagong makakalaban sa welterweight championship na si Yordenis Ugas. Ayon sa eight-division world champion, excited na rin siya na makaharap si Ugas dahil championship pa rin naman ang kanilang paglalabanan. Kung maalala una nang naasar […]
-
TEAM LEBRON, BINIGO ANG TEAM GIANNIS
EMOSYUNAL ang kapaligiran bilang paggunita sa namayapang si Kobe Bryant, ngunit nang magsimula ang aksiyon, punong-puno ng tikas ang bawat galaw at bawat isa ang may matinding paghahangad na magtagumpay sa ginanap na makapigil-hiningang 69th NBA All-Star Game nitong Linggo (Lunes, Manila time). Dati ay malamya ang depensa sa mga All-Star game at tila […]