• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Daniel Quizon, tinanghal bilang pinakabagong chess GM

TINANGHAL bilang pinakabagong Chess Grand Master ng bansa ang 20-anyos na binata mula sa Cavite na si Daniel Quizon.

 

Nakamit nito ang nasabing Grand Master rank ng maabot ng 2,500-rating barrier at matapos na talunin niya si Russian-born Monegasque GM Igor Efimov.

 

Si Quizon ang pinakahuling Pinoy Grand Master kasunod nina Oliver Barbosa at Richard Bitoon na tinanghal noong 2011.

 

Makakatanggap naman ito ng P1-milyon na cash incentives mula kay Dasmarinas City Mayor Jenny Barzaga.

 

Bumuhos naman ng pagbati kay Quizon mula sa iba’t ibang sports personalities matapos ang nasabing tagumpay.

Other News
  • 8 sa 15 preso pumuga sa Caloocan detention facility, nahuli na

    NASAKOTE na sa manhunt operation ng pulisya ang anim sa 15 persons Under police custody (PUPC) na pumuga sa kanilang temporary detention facility sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.   Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, 15 PUPCs ang tumakas bandang ala-1:50 ng madaling araw sa pamamagitan ng maliit na butas na […]

  • 10.7 milyong pamilyang Pinoy, nagsabing sila’y mahirap – SWS

    MAY  10.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).     Sa non-commissioned survey na ginawa noong Dis­yembre 12-16, 2021 sa may 1,440 res­pondents, 43 percent ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila ay mahirap, 39% ang nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, 19% naman […]

  • Ibang transport groups nagbuklod laban sa darating na transport strike

    MARAMING transport groups ang nagbuklod upang suportahan ang pamahalaan laban sa darating na transport strike sa July 24 kasabay ang ikalawang State of the Nation Address ni President Ferdinand Marcos, Jr.       Ang pinakamalaking grupo at pinakamatagal ng transport group sa hanay ng 12 transport groups, ang Pasang Masda, ang nagsabing hindi sila […]