Danish foreign minister Rasmussen, bibisita sa Pinas sa Dec. 9-10
- Published on December 9, 2024
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita sa Pilipinas ni Denmark’s Foreign Minister Lars Løkke Rasmussen sa December 9 hanggang 10, 2024.
Sinabi ng DFA na ang pagbisita ni Rasmussen sa bansa ay tanda ng unang pagkakataon na ang isang Danish foreign minister ay bibisita sa bansa sa loob ng 25 taon.
“The visit underscores the 78 years of Philippines-Denmark bilateral relations and the like-minded interest to forge even stronger partnerships in future-leading sectors,”ayon sa departamento.
“To promote closer bilateral relations between the Philippines and Denmark, the Foreign Minister’s meeting with Secretary for Foreign Affairs Enrique A. Manalo will focus on enhancing cooperation in areas such as trade and investments, maritime cooperation, green shipping, green transition, health, financial and development cooperation, and people-to-people links,” ang sinabi pa rin ng DFA.
Winika pa ng DFA na magpapalitan ng kani-kanilang pananaw at saloobin sina Manalo at Rasmussen ukol sa regional at international issues ng mutual concern, kaugnay sa shared commitment ng Pilipinas at Denmark para i- promote ang kapayapaan, katatagan at rules-based international order.
Bago pa ang pagbisita ni Rasmussen, nakiisa ang Danish Embassy sa Maynila sa European Union at iba pang bansa sa pagpapahayag sa kanilang pagkabahala sa agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).
May ilang bansa naman ang nagpahayag ng kanilang saloobin matapos na maglunsad ang Chinese Coast Guard (CCG) ng water cannon attacks at banggain ang Philippine civilian vessel sa bisinidad ng pinagtatalunang Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
“Deeply concerned at #China’s continued aggressive actions against Philippine vessels in the West Philippine Sea. China’s actions undermine the Law of the Seas, UNCLOS and maritime safety,” ang sinabi ni Denmark Ambassador Franz-Michael Skjold Mellbin sa isang post sa X ( dating Twitter).
Sa kabilang dako, sa usapin naman ng economic front, binawi na ng Pilipinas noong nakaraang buwan ang pagbabawal o ban sa pag-angkat ng domestic at wild birds kabilang na ang poultry products mula Denmark, makalipas ang halos dalawang taon matapos na ipatupad ang nasabing direktiba.
Binawi ang ban matapos na ipabatid ng Danish Veterinary and Food Administration sa World Organization for Animal Health na nalutas na ang lahat ng kaso ng highly pathogenic avian influenza sa European country at walang karagdagang paglaganap ang naiulat simula pa noong September 12, 2024. (Daris Jose)
-
Jeepney drivers nais ng malinaw na plano patungkol sa subsidiya ng DOTR sa piling PUV routes
NAIS ng ilang jeepney drivers na magkaroon ng malinaw na plano ang Department of Transportation kung paano makakarating sa mga jeepney driver ang nais nilang ibahagi na subsidiya. Ang ilan sa mga jeepney drivers raw ay hindi nakakatanggap ng sinasabing subsidiya, dahil anila, ang mga operators ang tumatanggap nito at hindi na nakakababa […]
-
SBP, nakikipag-ugnayan na sa gov’t para makauwi si Kai Sotto sa PH para sa qualifiers
Nakikipag-ugnayan na umano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamahalaan para matulungan si Kai Sotto na makauwi sa Pilipinas bago ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. Una rito, inanunsyo ng 18-anyos na si Sorro na nais nitong maglaro para sa Gilas Pilipinas sa ikatlo at huling window ng continental qualifiers, na gagawin […]
-
Catholic pa rin at ‘di pa nagpapa-convert: MARIEL, binalikan ang Myeongdong Cathedral para magpasalamat
NAG-POST ng past and present picture si Christopher Bariou, ang boyfriend ni Nadine Lustre. Ang larawan na ipinost nito ay sa Pinto Art Museum kunsaan, nasa same spot silang dalawa ni Nadine. Ang unang larawan nila dito ay kuha pa noong taong 2021, kasagsagan ng pandemic at naka-mask pa sila pareho. At […]