• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAR, gagamitin ang P10-B para maabot ang ‘dignified goals’ para sa mga magsasaka ni PBBM

ALINSUNOD sa naging direktiba ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ipamahagi ang mga lupain  ng libre at paigtingin ang probisyon ng “support services” sa mga magsasaka, pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 150th meeting ng Presidential Agrarian Reform Council Executive Committee (PARC ExCom), araw ng Biyernes, Oktubre 28.

 

 

“I was tasked by the President, being the Vice-Chairman of the PARC, to convene this very important meeting, to use the remaining PHP10 billion of the Agrarian Reform Fund (ARF) to realize his dignified goals for our farmers,” ayon kay Estrella.

 

 

Sa nasabing pulong, naipahiwatig nito ang determinasyon na i-adopt ang rekumendasyon ng Pangulo para sa pagpapalabas at utilization ng P10 billion mula sa  ARF balance,  na gagamitin para sa:

 

  • Landowners compensation, na may halagang P1.4-bilyong piso para sa documented landholdings na may pending claims na “due for payment” ;
  • Support services budget, na may P7.85-bilyon para sa implementasyon ng mga proyekto kabilang na ang agri-extension services, pamamahagi ng farm input support at farm machineries sa agrarian reform beneficiaries, infrastructure development at public works projects;
  • Karagdagang P500 milyon para sa administrative at operating expenses na kailangan para sa implementasyon ng mga nasabing components ng agrarian reform program; at
  • Institutional human resources para sa capacity development programs, P250 milyon para bigyang kapangyarihan at paghusayin pa ang kakayahan ng departamento para sa epektibong implementasyon.

 

 

Sa nasabing pulong, sinabi ni  Estrella na nangako  ang mga miyembro ng  Dalawang Kapulungan ng Kongreso sa Pangulo na ipapasa ng mga ito ang  “New Emancipation Act”  para sa mga landless farmers ngayong Disyembre.

 

 

“This bill would enable the Department of Agrarian Reform (DAR) to distribute free lands to the farmers,” aniya pa rin.

 

 

Makalilikha aniya ito ng malakas na  impact sa mga  magsasaka kasama ang pinaigting na probisyon na kinakailangang   support services upang ang kanilang lupain ay maging mas produktibo para makalikha ng maraming kita.

 

 

“I believe that this is a historic executive meeting because this gathering will not just improve the lives of the farmers, but it will also have a beneficial effect in our agricultural sector,” wika nito. (Daris Jose)

Other News
  • Beda may bala na panlaban sa Letran

    ANG Colegio de San Juan de Letran Knights ang nagkampeon sa 95th  National Collgiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament noong Nobyembre.   Sinawata ng Intramuros-based squad ang umaasam ng four-peat title na San Beda University Red Lions.   Kaya nasa radar ng mga basketbolista ng Mendiola na makaresbak sa mga kabalyero ni coach Bonnie Tan. […]

  • Humanga rin sa action scenes ni Angeli: RURU, pinuri ang pagganap ni CHANDA bilang pangulo

    OVERWHELMED sa tuwa ang Kapuso comedian na si Boobay dahil kabilang siya sa mga biggest and brightest stars na pumirma sa Sparkle sa Signed for Stardom 2024 noong May 16.         Matapos ang event, hindi pa rin makapaniwala si Boobay sa kanyang bagong chapter bilang official na Sparkle star.       […]

  • Construction worker timbog sa P.2M shabu sa Valenzuela

    KULONG ang 50-anyos na construction worker na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halalaga ng hinihinalang shabu makaraang matiklo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek na […]