• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating adviser ni Duterte idinawit sa iligal na droga, ipinaaaresto ng Kamara

IPINAG-UTOS ng House Committee on Dangerous Drugs ang pag-aresto sa negosyanteng si Michael Yang matapos itong ma-cite in contempt dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa imbestigasyon kaugnay ng P3.6 bilyong halaga ng shabu na nasamsam sa isang operasyon sa Mexico, Pampanga noong 2023.
Si Yang, na naging adviser ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang sinasabing incorporator ng Empire 999 Realty Corp., na nagmamay-ari ng bodega sa Mexico, Pampanga kung saan dinala ang P3.6 bilyong halaga ng shabu.
Kapag naaresto, si Yang ay inaasahang makukulong ng 30 araw sa Bicutan Jail sa Taguig City. Ayon sa rekord, si Yang ay umalis patungong Dubai noong Mayo 12, 2024.
Si Yang ay na-cited in contempt ng komite na pinamumunuan ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbres dahil sa paulit-ulit na pagbabalewala sa imbitasyon ng komite ni Barbers at pinadalhan na rin ng subpoena noong Hunyo 24.
“Since he is not present, pursuant to our rules on Section 11, if I may read, the Committee may punish any person for contempt by a vote of two-thirds of the members present,” ayon kay Barbers.
Sa quorum na 10 miyembro, ipinatupad ng komite ang patakaran at pinagtibay ang mosyon ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano
“Citing the violation committed by Mr. Michael Yang under Section 11, Paragraph A, for refusing without legal excuse to obey summons and invitations, there is a motion to cite Mr. Michael Yang in contempt. The motion is duly seconded, and hearing no objection, the Committee is now citing Mr. Michael Yang in contempt,” dagdag pa ng mambabatas.
Iniutos ni Barbers sa kalihim ng komite na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP), sa House Sergeant-at-Arms, sa National Bureau of Investigation, at iba pang mga ahensya ng batas upang ihain ang warrant of arrest kay Yang.
Si Yang ay inimbitahan sa pagdinig matapos na matuklasan na si Lincoln Ong, isang opisyal ng Pharmally at umano’y kasosyo ni Yang, ay isa sa mga incorporator ng isang kompanya na may kaugnayan sa Empire 999 at iba pang mga kumpanya.
Ayon kay Barbers, ang testimonya ni Yang ay mahalaga sa pagbubunyag ng ugnayan ng ilegal na smuggling ng droga na iniuugnay sa Empire 999.
Sa pagdinig nitong Miyerkules, narinig ng komite ang testimonya ni dating Police Colonel Eduardo Acierto, na itinuturo si Yang bilang parehong indibidwal na kanyang binantayan noong 2017 dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Si Acierto, isang dating sinibak na colonel ng PNP drug enforcement group, ay nag-akusa na pinabayaan ng dating Pangulong Duterte, ang dating Special Adviser at ngayon ay Senador na si Christopher “Bong” Go, at ang dating PNP chief na ngayon ay Senador na si Ronald “Bato” dela Rosa, ang kanyang intelligence report tungkol kay Yang.
Inakusahan din niya ang dating pangulo na nais siyang patayin dahil sa kanyang nalalaman sa mga koneksyon ni Duterte kay Yang at iba pang indibidwal na sangkot sa ilegal na droga. (Vina de Guzman)
Other News
  • 15-ANYOS NA BINATILYO TIMBOG SA P28K SHABU

    ISANG 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P28,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa gitna ng lockdown sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala lang ang suspek sa alyas “Enteng” na natimbog ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-8::05 ng […]

  • Ravena papasiklab sa B.League All-Star Game

    NAPABILANG para maging reserbang parte ng B.League All-Star Game 2021 na nakatakda sa darating na Enero 15-16 sa Adasutria Mito Arena, sa Mito, Japan ang Asian import na si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III.   Sokpa para sa B.White team ang 23-taong-gulang, may taas na 6-2 Pinoy nang makalikom ng 27,593 votes at pumuwesto na pang-siyam […]

  • Ipinagtanggol ng Choco Mucho si Deanna Wong sa ‘snubbing incident’

    CHOCO Mucho management has broken its silence on the alleged snubbing incident involving the Flying Titans towards their fans while on vacation in Boracay.     In a social media post on Monday, the management of the popular Premier Volleyball League (PVL) team leapt to the defense of its players who were at the receiving […]