• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating kagawad tinodas ng riding in tandem sa Malabon

Dedbol ang isang negosyante na dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ricky Legaspi, 51 at residente ng Adante St. Brgy. Tañong.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigayon, dakong 2:20 ng hapon, nagtungo ang biktima sa Estrella St. Brgy. Tañong at nang iparada na niya ang kanyang motorsiklo ay pinagbabaril ito ng hindi kilalang gunman.

 

 

Matapos ang pamamaril, sumakay ang gunman sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kanyang hindi rin kilalang kasabwat bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • After 20 years, kaya masaya ang mga anak: LOTLOT, tinanggap agad dahil blessing na muling makasama si RAMON CHRISTOPHER

    BAGO pa man sumikat ang mga kilalang loveteams nina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga bida sa ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines ay umalagwa ng husto noon ang tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.     Na humantong nga sa kasalan ng dalawa […]

  • Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

    NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]

  • Hawaan ng COVID-19 sumipa sa 45% nitong Enero 4 – OCTA

    Sumipa na sa 45 percent ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na Enero 4, mas mataas sa dating 40 percent positivity rate sa Kalakhang Maynila.     Bunga nito, inaasahan ng OCTA Research Group na pumalo ang bagong CO­VID-19 cases sa kada araw sa 10,000 hanggang  11,000 dagdag na kaso ng virus. […]