• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19.

Sinabi ni Department of Labor and Employment Undersecretary, Usec. Joji Aragon, malaki ang maitutulong ng programang ito sa DOLE upang mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga mamamayan na wala ng binalikang trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang mga kompanya o mga pinapasukang business establishments.

Sinabi pa ni Aragon, kapag naipatupad na ang emergency employment sa ilalim ng tupad program, agad na nilang masisimulan ang tinatawag na community-based emergency employment na magbibigay ng trabaho sa mga kababayan na nawalan ng mapagkakakitaan.

Aniya pa, sisimulan ang implementasyon ng programa sa mga rural areas hanggang sa mga urban places.

Sinasabing, ilan lamang sa mga maaring maitulong ng TUPAD program ay ang pagLikha ng mga trabahong may kaugnayan sa paglaban sa covid19, tulad aniya ng pagiging contact tracer, data encoder. Sakaling mayroon backlog sa mga pag-input ng mga COVID cases at ang occupational safety and health. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Net income ng PhilHealth papalo sa P61 bilyon

      TINIYAK ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na hindi nakakaapekto sa benepisyo ng mga miyembro kahit gamitin pa ng gobyerno sa excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhiHealth) dahil papalo sa P61-B ang net income ng ahensiya ngayong taon.       Sinabi ni Recto na naaayon sa medical principle na […]

  • Malakanyang, walang maibigay na assurance sa mga nagdududa sa pagreretiro ni Pangulong Duterte sa politika

    HANDS OFF na ang Malakanyang sa mga taong nagdududa sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magreretiro na siya sa pulitika sa oras na matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.   Tugon na rin ito ni Sec. Roque sa tanong kung seryoso ang Pangulo sa pahayag niyang ito dahil na rin […]

  • DepEd execs, kasuhan sa overpriced laptop – Senado

    INIREKOMENDA  ng Se­nate Blue Ribbon Committee na sampahan ng mga kasong katiwalian, perjury, falsification of public document, kasong administratibo at sibil ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Education (DepEd) at Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa umanoy P2.4 billion overpriced na pagbili ng laptop.     […]