• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating pedicab driver sikat at malayo na ang narating

Sobrang layo na ang narating ni Arwind Santos ng San Miguel Beer na dati lamang na pedicab driver sa Angeles City, Pampanga pero ngayon ay isa na ito sa natatanging bahagi ng 40 greatest  player ng PBA.

 

Para lamang magkaroon ng kakainin ang pamilya nila noon, kailangan kumayod nito sa pamamagitan ng pagpadyak ng pedicab. Hirap sa buhay ang pamilya ni Santos sa Pampanga.

 

Dahil sa angking tangkad nito ay na recruit siya ng mga bataan ni Pampanga Mayor  Dennis Pineda, na ngayon ay gobernador na. Tumutulong ito sa mga kabataan na may potential tulad ng ginawa niya kay Arwind.

 

Hinasang mabuti sa Pampanga at nang matuto ay saka dinala sa Manila at pinag-tryout sa FEU Tamaraw hanggang sumapit ang tamang panahon ay nagpa-draft sa PBA.

 

Taong 2006, na draft si Santos ng Air21 Express. No. 1, pick 2nd over all. Nailipat siya noong 2009, sa Patron Blaze Booster na kilala ngayon bilang San Miguel Beer.

 

Ilan sa mga achievement ni Arwind sa kanyang Basketball career:  9-time PBA champion, 2-time PBA finals MVP, PBA Most Valuable player (2013), 2-time PBA best player of the Conference, 11-time PBA All Star, 2-time PBA All Star game MVP,  9-time PBA Mythical first team, 2-time PBA Mythical second team, 2-time PBA Defensive player of the year, 7-time PBA All Defensive team,  PBA All rookies team (2007), PBA Order merite (2009), PBA Blitz Game MVP (2009) at isa sa 40 greatest player ng PBA. 

Other News
  • TANYA, laking gulat nang mag-positive ang buong pamilya kahit maingat at halos mapraning sa COVID-19 virus

    MAINGAT at praning ang actress na si Tanya Garcia dahil aminado itong sobrang takot na makakuha ng COVID-19 virus, kaya gano’n na lang talaga ang gulat niya nang silang buong pamilya ay maging positibo rito.     Last week of March daw nang malaman nila na positive silang lahat. Siya, ang mister na si Mark […]

  • Pagpapatupad ng universal health care, isa sa “biggest projects” ni PBBM

    ISA sa “biggest projects” ng administrasyong Marcos ang ipatupad ang Universal Health Care Act.     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa Koronadal City, South Cotabato, nang idaos ang paglulunsad ng Healthcare System and Referral Manual para sa lalawigan.     Ayon sa Pangulo, siya at ang bagong […]

  • COVID-19 death toll worldwide nasa 4,300 na – reports

    NADAGDAGAN pa sa kabuuang 4,300 ang death toll sa ilang panig ng mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).   Sa bagong data (as of March 11), mula kaninang umaga nasa 26 ang nadagdag sa mga namatay kung saan 22 sa mga ito ay mula sa mainland China.   Pinaka-marami ang iniulat mula sa Italya na […]