Dayuhang estudyante sa Pinas, sasailalim pa rin sa govt. intel
- Published on April 20, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang estudyante na may hawak na student visa ay sasailalim parin sa government intelligence investigation kung may ginagawang illegal activities.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na ayon sa batas, ang isang dayuhan na nakakuha ng student visa ay maari pa ring sumailalim sa pagsusuri ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang mga aktibidades “which appear to be inimical to the security of the State”.
Sinabi ni Tansingo na ayon sa Executive Order No. 285, s. 2000, na nakapaloob sa batas ng inter-agency committee on foreign students na ang BI ay bahagi ng inter -agency na pinamumunuan ng Commission on Higher Education (CHED), kasama ang NBI, NICA, Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Education (DepEd).
Sa naturang batas, klinaro ni Tansingco na ang BI ay maaari lamang makapag-isyu ng student visa sa isang dayuhan kung iniendorso ito ng isang lehitimong eskuwelahan at ng CHED.
Dagdag pa nito na ang isang eskuwelahan na tumatanggap ng isang dayuhang estudyante ay inoobliga na magsumite ng regulan na ulat sa BI na siyang mag-monitor ng kanilang visa compliance , habang ang CHED ang nagsiguro sa pagpapatupad ng education -related policies at ang NICA ang magsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang kaduda-dudang aktibidades.
Ayon kay Tansingco na sa taon 2023, may kabuuang 1,516 na mga Chinese national ang nabigyan ng student visa sa Cagayan na lahat ay inendorso ng isang unibersidad, Gayunman, tinatayang 400 na mga Chinese national ang nakikita on-site kung saan ang eskwelahan ay nag iimplement ng distance learning.
Naniniwala si Tansingco na posibleng ang pagtaas ng bilang mga mga estudyante ay dahil sa post pandemic at marketing strategies ng mga eskuwelahan at pagpapalakas ng turismo.
“The national government has actively promoted the country as an education hub in Asia,” ayon kay Tansingco.
“We hope that these concerns do not scare away legitimate students whose stay in the country could greatly help re-boost our economy,” dagdag pa nito. GENE ADSUARA
-
48% ng Pinoy tiwalang ‘gaganda ekonomiya’ sa sunod na 12 buwan — SWS
HALOS kalahati ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang naniniwalang iigi ang ekonomiya sa susunod na taon, ito sa gitna ng lumolobong unemployment rate, record-high na utang at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Napag-alaman ‘yan ng Social Weather Stations sa isang survey na inilabas, Huwebes, pagdating sa mga inaasahang pagbabago […]
-
MAYO 9, ARAW NG HALALAN, SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY
OPISYAL nang idineklara ng Malakanyang na Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang araw ng Lunes, May 9, araw ng National at Local Elections. Nakasaad sa ipinalabas na Proclamation No. 1357 ng Malakanyang na kapuwa pirmado nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea Jr. na may pangangailangan na ideklarang special […]
-
Filipino-Chinese businesses, umaasa sa state visit ni PBBM sa China; itutulak ang joint exploration talks
KUMPIYANSA ang Filipino-Chinese businesses na ang nalalapit na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China ay makapagpapalakas sa larangan ng kooperasyon kabilang na ang potensiyal na joint exploration ng mga resources sa West Philippine Sea. Nauna nang sinabi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na ang mga […]