• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAYUHANG TURISTA, BUBUKSAN NA SIMULA FEBRUARY 1

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa February 10, magbubukas na ang boarder ng  bansa para sa pagpasok ng mga dayuhang  turista.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay kasunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na insiyu noong Huwebes na lahat ng “fully vaccinated nationals of non-visa required countries under Executive Order No. 408 s. 1960 as amended” ay papayagan ng pumasok sa bansa.

 

 

May kabuuang  na 157 countries ay kinokonsiderang visa free, kabilang dito ang United States of America, South Korea, Japan, Australia, Canada, UK, Malaysia, at  Singapore.

 

 

Ang mga paparating na turista ay kinakailangang magpakita ng valid passport  at proof of vaccination kontra Covid-19.

 

 

Ang tinatanggap na proof of vaccination  ay ang World Health Organization International Certificates of Vaccination and Prophylaxis at  VaxCertPH.

 

 

Bukod dito, ayon sa resolusyon, simula February 1, lahat ng padating na pasahero ay kinakailangang magsumite ng isang negative na RT-PCR test valid ng hanggang 48 hours bago ang kanyang pag-alis sa pinanggalingang bansa.

 

 

Pero sa mga fully vaccinated, hindi na nila kinakailangang sumailalim sa facility-based quarantine, pero kinakailangang ma-monitor sila ng pitong araw. Habang ang mga unvaccinated, partially vaccinated, o ang kanilang vaccination status ay hindi madetermina ay kinakailangang sumailalim sa required quarantine protocols na ayon sa Bureau of Quarantine ng local government units. Exempted dito ang mga minors.

 

 

“The opening of our borders to foreign tourists is a welcome development,” ayon kay Morente.  “We see this as a giant leap towards the rebound of the tourism and international travel sector,” dagdag pa nito. GENE ADSUARA

Other News
  • PCSO bukas sa pagdinig ng Senado

    BUKAS ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa gagawing pagdinig ng Senado sa mga nanalo.     Ito ang tugon ni PCSO General Manager Melquiades Robles sa panukala ni Senador Koko Pimentel na imbestigahan ang sunud-sunod na panalo sa lotto draw at makilala kung sinu-sino ang tumatama.     Sa partners forum sa Philippine Columbian […]

  • Panukalang batas na gawing regular licensing center ang LTO-Las Pinas extension, aprubado na ng Kamara

    IKINATUWA ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar, ang pag-apruba ng Kamara sa 3rd and Final Reading ang panukalang batas na layong i-convert ang Land Transportation Office (LTO) extension para gawin itong regular licensing center.     Sa botong 289 pabor, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8152 nuong Lunes, May 29, 2023. […]

  • Mindanao ihiwalay na sa Pilipinas – Duterte

    INIHIRIT ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.     Sa pulong balitaan sa Davao, sinabi ng dating Pangulo na ito ay maisasagawa sa pamamagitan nang pagkalap ng mga pirma.     Kasabay naman ng panawagan ni Digong dumistansya ang mga senador sa plano na isulong ang paghihiwalay ng Mindanao sa […]