• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, aprubado ang 25 permanent posts para sa teacher education Council ng DepEd

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng 25 permanent positions pra sa Teacher Education Council (TEC) Secretariat sa ilalim ng Department of Education (DepEd).

 

 

Ang mga bagong posisyon ay kabilang sa organizational structure and staffing pattern (OSSP) para sa TEC Secretariat, na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong May 21.

 

 

Ani Pangandaman, ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act No. 11713, o Excellence in Teacher Education Act, at tugon sa direktiba ng Pangulo na gumawa ng hakbang para pagtibayin ang kapakanan ng mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

“ Ang sabi nga po ni Pangulong Bongbong Marcos, kailangan nating magpatupad ng mga konkretong hakbang para isulong ang kapakanan ng ating mga guro ,” ayon sa Kalihim.

 

 

“ Kaya naman po, sisiguruhin nating mabibigyan ng suporta ang mga programa na magpapaangat sa kalidad ng kanilang pagtuturo,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinitiyak naman ng TEC ang probisyon ng de-kalidad na edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa pamamagitan ng pagtatatag ng scholarship program para sa mga ‘deserving students’, pagsusulong ng education degree programs, at itulak ang graduate degree programs para sa mga guro at school leaders at makapagbigay ng isang ‘dynamic, modern, at equitable education system.’

 

 

Para suportahan at tulungan ang Council sa pagganap sa tungkulin at implementasyon ng mga proyekto at programa, kinokonsidera ang paglikha ng apat na organizational units sa ilalim ng Secretariat.

 

Kabilang dito ang Office of the Executive Director, Student Incentives Support Office, Quality Pre-Service Teacher Education Office, at Quality Teaching Office.

 

 

Ang paglikha ng bagong organizational units at posisyon para sa TEC Secretariat ay kinonsidera na magbibitbit ng mandatong tungkulin nito na epektibo at episyente. (Daris Jose)

Other News
  • 61 simbahan sa Maynila, tututukan ng MPD sa Simbang Gabi

    TINIYAK  ni Manila Police District (MPD) Director P/Brig. General Andre Dizon na sapat ang itatalagang mga uniformed at civilian clothes personnel na magbabantay sa 61 simbahan sa Maynila para sa Simbang Gabi.     Sinabi ni Dizon,  na simula sa Dec. 16, asahan na magi­ging maayos at sapat ang kapulisan na itinalaga sa Quiapo Church,  […]

  • 3 timbog sa P1 milyon shabu sa Caloocan at Valenzuela

    MAHIGIT sa P1 milyon halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug pushers matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang pagkakaaresto kay Jonell Chavez alyas “Kokoy”, 50, (pusher) ay resulta ng […]

  • PBBM, nakikitang mas yayabong pa ang ugnayan sa pagitan ng Pinas at Singapore

    NAKIKITA ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  ang pagganda at pagbuti ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.     Ang Singapore kasi ang itinuturing na  “largest source of foreign investments” sa bansa.     Sa isang roundtable discussion kasama ang mga  Singaporean business leaders, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos na maliwanag ang hinaharap para […]