• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena silver sa Italy

Nasungkit ni Olympic bound at SEA Games pole vault gold medalist Ej Obiena ang silver medal sa katatapos na 13th International Meeting sa Trieste, Italy matapos lundagin ang 5.45 meter mark sa competition.

 

Hinirang namang kampeon si Olympic gold medalist Thiago Braz da Silva ng Brazil na may 5.50 meter at 3rd place naman si Max Mandusic ng Italy na pumailandang sa taas na 5.35 meter.

 

Ayon sa ulat, nanatili sa Italy si Obiena kahit may ipinatutupad na lockdown ang nasabing bansa bunsod ng coronavirus pandemic.

 

Unang Pinoy si Obiena na nakapasok sa Tokyo Olympics 2021.

 

Pinuri ni Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez si Obiena sa karangalang nasungkit nito para sa bansa. (REC)

Other News
  • “Real queens support each other”: HEART, nagsalita na tungkol sa pagkakaayos nila ni MARIAN

    MARAMI ang nagdiwang na nagkaayos na sina Heart Evangelista at Marian Rivera.     Panahon ng shooting nila noong 2011 ng pelikulang ‘Temptation Island’ nagsimulang umikot ang balitang magkagalit ang dalawang reyna ng GMA.     Pero kamakailan, makalipas ang labingdalawang taon ay nagulantang ang marami dahil biglang pina-follow na nina Heart at Marian ang […]

  • LEARNING TO PLAY THE VIDEO GAME – AND WIN! – WAS MOST CHALLENGING FOR “GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” ACTOR ARCHIE MADEKWE

    THE film Gran Turismo: Based on a True Story came to Archie Madekwe’s radar through a chance encounter.      “I met with one of the writers almost a year earlier [before he was cast]. He told me a story I had never heard before, and I was taken aback when I was sent the material – […]

  • 26 Chinese militia vessels namataan sa Ayungin Shoal

    IBINUNYAG ng Philippine Coast Guard na mayroong nasa 26 na mga suspected Chinese maritime militia ang muling nakita malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.     Sa inilabas na larawan ng coastguard mula sa Maritime Domain Awareness flight na kinukumpirma ang pagkakaroon ng 26 na suspected Chinese maritime militia at Chinese Coast Guard. […]