DBM, aprubado ang pagbili ng DOH ng 173 medical vehicles
- Published on October 24, 2024
- by @peoplesbalita
PINAGKALOOBAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) ng P454 milyon para sa pagbili ng 173 medical vehicles.
Sa katunayan, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Oktubre 17 ang pagpapalabas ng Authority to Purchase Motor Vehicle (APMV) para sa DOH.
Sinabi ng DBM na pinahihintulutan ng APMV ang DOH na bumili ng 161 unit ng land ambulance, dalawang unit ng mobile primary care facility o mobile clinic, apat na unit ng sea ambulance, apat na unit ng passenger van, isang van na magsisilbi bilang patient transport vehicle, at isang van na gagamitin bilang mobile blood donation van.
“The approval of the APMV is chargeable against the DOH’s Health Facilities Enhancement Program (HFEP) under the 2024 General Appropriations Act,” ang sinabi ng DBM.
Layon naman ng HFEP na tugunan ng healthcare delivery gaps at gawing mas accessible ang mga pasilidad at serbisyo.
Sakop ng pinakabagong APMV ang second batch ng motor vehicles (MVs) na bibilhin ng DOH.
Hunyo 11, inaprubahan ni Pangandaman ang pagpapalabas ng APMV na nagkakahalaga ng P387 milyon para sa pagkuha sa unang batch ng 141 units ng medical vehicles.
Ang pagbili aniya ng motor vehicles ay para magawa ng DOH na makapagbigay sa mga mamamayang Filipino ng mas maayos at mas ‘reliable’ na health services.
“The purchasing of additional medical vehicles will surely augment the ongoing structural enhancements of our healthcare system,” ang sinabi ng Kalihim. (Daris Jose)
-
PBBM nagdagdag ng special nonworking day, 2 holidays sa taong 2023 para sa ‘holiday economics’
NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon. Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]
-
Ads May 20, 2023
-
ILANG BARANGAY SA MAYNILA, WALA PANG SARILING BARANGAY HALL
SA kabila ng ipinagkakaloob na tulong ng mga kongresista sa Lungsod ng Maynila sa mga Punong Barangay para sa pagtatayo ng kanilang sariling barangay hall, aminado si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na marami pa ring mga barangay sa lungsod ang walang sariling tanggapan. Ang naturang pahayag ay sinabi ng bise […]