DBM, pinalabas na ang P5-billion assistance para sa mga biktima ng bagyo
- Published on November 20, 2024
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng P5 billion para palakihin ang assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga Filipino na apektado ng mga bagyo.
Ayon sa DBM, ang pagpapalaki sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ay nakalinya sa direktiba ng administrasyong Marcos na agarang tugunan ang pangangailangan ng disaster-affected communities.
“We cannot deny the severe impact of the climate crisis here in the Philippines. Typhoons Nika, Ofel, Pepito, and many more have come and will continue to come. This additional funding for the DSWD is for our fellow citizens affected by the crisis,” ang sinabi ni Pangandaman.
“Through this, we are sustaining support for vulnerable and marginalized communities. We are bridging the resource gap required for extensive disaster recovery and sustained support throughout the nation,” ang winika ng Kalihim.
Sinabi ng DBM na ang AICS program ay mahalagang serbisyo ng DSWD, nag-aalok ng medical, burial, transportation, education, at food assistance, at maging ng financial aid para sa mga indibidwal at pamilya na nahaharap sa emergency.
Ang alokasyon ng nasabing karagdagang pondo ay nakahanay sa special provisions ng 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa paggamit ng Unprogrammed Appropriations (UA).
Pinapayagan ng mga probisyon ang pondo na gamitin para sa mahalagang ‘infrastructure at social programs’ kabilang na ang financial aid para sa low-income citizens, lamang ay kung mayroong bago o sobrang revenue collections.’ (Daris Jose)
-
PBBM, ikinatuwa ang naging pasiya ng MANIBELA at PISTON na tapusin na ang kanilang tigil- pasada
LABIS na ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon ng dalawang transport groups na itigil na ang kanilang ikinasang tigil-pasada at hindi na paaabutin pa ito ng isang linggo. Sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong masaya ang gobyerno sa naging pasiyang MANIBELA at PISTON kasunod ng […]
-
Nationwide face-to-face learning makadaragdag ng P12 bilyong piso kada isang linggo sa ekonomiya —NEDA
MAKATUTULONG ang nationwide resumption ng face-to-face o in-person classes para makabawi ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19 pandemic. Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua na ang pagbubukas ng lahat ng 60,743 eskuwelahan para sa “in-person learning” ay makapagpapataas ng economic activity ng […]
-
Pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-VP ‘desisyon’ ni ex-Sen Marcos
Si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siyang nag-impluwensya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte kumbensido siyang “desisyon” ni Marcos ang pagtakbo ng kanyang anak sa pagka-bise presidente. Nobyembre […]