• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Lima tinawag na isang kaduwagan ang pag-amba sa kanya ng suntok ni Duterte

TINAWAG na ni dating senador Leila de Lima na isang kaduwagan ang ginawang pag-amba ng suntok sa kaniya ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

Naganap ang insidente ng kapwa dumalo ang dalawa sa pagdinig ng Quad Comm sa House of Representatives.

 

Sinabi ni De Lima na hindi niya alam na yun ang gagawin sa kaniya ng dating pangulo dahil abala ito sa pagsagot sa mga katanungan ng mga mambabatas.

 

Dagdag pa nito na hindi niya aktual na nakita ang nasabing ginawa sa kanya ng pangulo hanggang mayroong nagparating sa kanya ng mensahe at nagpasa ng video ng nasabing pag-amba.

 

Matapos na makita ang video ay labis itong nasaktan kung saan isang uri ng unbecoming at hindi desenteng tao ang dating pangulo. (Vina de Guzman)

Other News
  • KRISTOFFER, ibinahagi ang pinagdaanan ng pamilya dahil COVID-19

    NAIKUWENTO ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang pinagdaanan ng kanyang pamilya dahil sa sakit na COVID-19.   Nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang ama, ina at kapatid na lalake. Magkasama silang tatlo na nag-quarantine at nagpagaling sa bahay nila sa Olongapo City, samantalang si Kristoffer ay nasa Manila at siya ang naging tagapagbili ng […]

  • Ads March 2, 2024

  • 26 Chinese militia vessels namataan sa Ayungin Shoal

    IBINUNYAG ng Philippine Coast Guard na mayroong nasa 26 na mga suspected Chinese maritime militia ang muling nakita malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.     Sa inilabas na larawan ng coastguard mula sa Maritime Domain Awareness flight na kinukumpirma ang pagkakaroon ng 26 na suspected Chinese maritime militia at Chinese Coast Guard. […]