• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deadline para sa COVID-19 Emergency Loan application ng GSIS, pinalawig ng hanggang August 12

Pinalawig ng isa pang buwan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang panahon para sa filing ng applications sa COVID-19 Emergency Loan.

 

Sa isang statement, sinabi ni GSIS president at general manager Rolando Ledesma Macasaet na hanggang sa Agosot 12, 2020 pa maaring mag-file ng loan applications ang kanilang mga miyembro.

 

Ito ay dahil nais aniya nilang mabigyan ng sapat na panahon ang kanilang miyembro, pati na ang mga nakatatanda at disability pensioners, na apektado ng public health crisis para makapag-loan.

 

Sa kanilang tantya, maaring aabot sa mahigit 1.3 million members ang qualified para sa loan program na ito, na may projected total amount na P43 billion.

 

Nauna nang itinaas ng GSIS ang halaga na maaring utangin ng kanilang mga miyembro mula sa dating P20,000 na sa ngayon ay aabot na ng hanggang P40,000 para sa mga may existing loans.

 

Pinadali na rin nila ang terms para sa renewal ng loans kahit pa may loan accounta na hindi nababayaran ng mahigit anim na buwan.

Other News
  • P9-B natirang Bayanihan 2 fund, ‘di na magagamit

    Tuluyan nang hindi magagamit ang umaabot sa P9 billion na pondong nakalaan sana sa pagtugon ng pamahalaan laban sa epekto ng COVID-19.     Bagama’t hindi ito tuluyang masasayang, obligado naman ang gobyerno na ibalik ang naturang salapi sa national treasury.     Una nang iminungkahi ng ilang opisyal na palawigin na lang sana ang […]

  • Michael Jordan panalo ng $46,000 vs Chinese sportswear company

    Iginawad ng isang korte ang panalo sa kaso ni NBA Hall of Famer Michael Jordan laban sa isang Chinese sportswear company.   Ang naturang kaso ay may kaugnayan sa “emotional damages” at legal expenses bunsod ng trademark issues.   Ayon sa ulat ng Variety, inatasan ng korte ang Chinese sportswear at shoe manufacturer ng sapatos […]

  • Malakanyang, hindi kukunsintihin ang mga indibidwal na nag-LGU hopping para magpa-booster shot

    TINIYAK ng Malakanyang na hindi nila kailanman kukunsintihin ang mga taong nag-LGU hopping para makakuha ng booster shot.   Ani Sec. Roque, marami pang hindi nababakunahan bukod pa sa illegal ang ganitong hakbang.   “So ang pakiusap natin, lahat naman ng bakuna ay nagbibigay proteksiyon, so hintayin muna natin magkaroon ng bakuna ang karamihan ng […]