DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 26)
- Published on February 9, 2022
- by @peoplesbalita
IKINAGULAT ni Bernard ang pagsulpot ni Regine sa opisina niya. Subalit naunawaan naman niya ang pakay nito kaya’t sinabi niyang kakausapin niya si Angela tungkol sa nais nitong mangyari.
Sa sobrang tuwa ay niyakap ni Regine ang lalaki na nabigla sa pagyakap niya.
“Thank you so much Bernard, sabi ko na nga ba hindi mo ko matatanggihan. You’re still Bernard na kilala ko at nakarelasyon ko!”
Inalis ni Bernard ang mga kamay ng babae na nakayakap sa kanya.
“Ahm, Regine, ang sabi ko kakausapin ko muna si Angela. Kung anuman ang mapagpasyahan niya, sana irespeto na lang natin.”
“What? Bernard, kailangan pareho kayong magdesisyon, nakasalalay lang ba kay Angela ang kahilingan ko para sa anak ko na kailangang kailangan ako ngayon sa tabi niya?”
“Naiintindihan kita. Pero kailangan mo rin maintindihan na meron tayong nakaraan na ayokong pagmulan ng hindi namin pagkakaintindihan na mag-asawa.”
Napaatras si Regine sa sinabi ni Bernard.
“So, do you really think na aagawin kita sa kanya or gagawa ako ng moves na makakasira sa inyong dalawa?”
“Hindi naman sa gano’n…”
“Okay. Call me kung anuman ang mapagkasunduan nyo tungkol sa pabor na hinihingi ko.” pagkasabi niyon ay inis na lumabas ng opisina si Regine.
Naiwang napabuntong hininga na lang si Bernard.
Nang makauwi sa bahay ay hindi mapakali si Bernard. Hindi niya alam kung paano uumpisahang sabihin sa asawa ang hiling na pabor ni Regine.
Inaya niya itong magkape sa hardin.
“Sweetheart, may sasabihin ka ba?” tanong ni Angela na naramdaman ang pagkabalisa ng lalaki.
“Ahm, well, actually yes, meron.”
“Ano ‘yon?”
“It’s about Regine. Nahihiya siyang dumirekta na magsabi sa’yo kaya ako muna ang pinuntahan niya sa opisina.”
“Tungkol saan?”
“Gusto niyang maalagaan si Janine. Gusto niyang pansamantalang makitira sa’tin or magrent malapit dito sa’tin, just to be with her daughter.”
Natigilan si Angela. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman.
“Sweetheart, if it’s not okay with you, just tell me.”
“M-mom, d-dad…” si Janine, na iyon na ang itinawag sa dalawa sa kagustuhan ni Angela.
“Janine, kung masama ang pakiramdam mo, stay in your room, ako na muna ang bahala kay Lola Corazon.”
“Hindi po. Na-tsek ko na po si lola sa room niya. Napakain at napainom ko na rin siya ng gamot. Saka alam ko naman na pagod po kayo pareho galing sa opisina at sa restaurant.”
“May kailangan ka ba?” tanong ni Bernard.
“Wala naman po. Narinig ko lang kasi pagdaan ko yung tungkol kay mama…pwede po ba kung papayag kayo, magrent na lang siya malapit dito. Hindi po okay sa akin na makasama nyo siya sa iisang bubong.”
Nagkatinginan ang mag-asawa.
“Sweetheart, sa tingin ko tama si Janine. What do you think?” si Bernard.
Sa halip na sumagot ay tumango na lang si Angela.
Dahil sa kalagayan ni Janine ay dinalasan ni Andrea ang pagtawag tawag dito. Umaasa siyang makakatulong kay Janine ang pag-uusap nila tulad sa kung paano ito nakakapagpawi din ng bigat ng damdamin niya.
“Mukhang masaya ka ngayon, bakit?” tanong ni Janine.
“Kasi si Sir Jeff, nakita ko sa my day niya yung tinimpla kong kape para sa kanya!”
“O may credit ba na ikaw ang nagtimpla no’n?”
“W-wala…”
“Asus. Kinilig ka agad , e baka naman gusto lang talaga niya magmy day ng kape kaso hindi naman siya marunong magtimpla!”
“Ang gara mo naman eh…”
“O sige na, eto na, ngingiti na ko para sa kilig moment mo. Alam ko naman na abot langit ang ngiti mo riyan e.”
“Thank you Janine. Ngiti lang tayo pareho. Kahit may mga kanya-kanya tayong problema, kahit nandiyan ka at nandito ako , napapasaya natin ang isa’t-isa.”
Tulad ng dati ay kung saan saan pa dumadako ang kanilang usapan. Sa mama ni Janine. Kina Angela at Bernard, kay Lola Corazon. Kay Jeff at sa mga tao na kumupkop kay Andrea noong sabay na mamatay sa aksidente ang mga magulang nito.
“AAHHH!” galit na ibinalibag ni Regine ang throwpillow matapos nilang mag-usap ni Janine sa cellphone.
Nalaman kasi niya rito na kakailanganin niya pang umupa ng bahay. Ang anak niya mismo ang nagdesisyon noon bilang pagrespeto sa mag-asawa.
“I’m still your mother Janine, I’m still your mother!” nagpupuyos ang kaloobang anito sa sarili.
Habang tumatagal ay unti-unting nararamdaman ni Janine na para siyang nauupos na kandila. Pero pilit niyang pinalalakas ang sarili at isa si Andrea sa pinaghuhugutan niya ng lakas.
“Hello Janine, okay ka lang ba?” tanong ni Andrea nang mahalata sa boses ng kaibigan ang hindi magandang pakiramdam nito.
“Ayos lang ako…”
“May good news ako sa’yo!”
“Ano ‘yon?”
“Pinayagan na ako ng amo ko na magday off sa next Sunday, kaya sa wakas magkikita na rin tayo, dadalhan kita ng mga prutas na paborito mo!” masayang balita ni Andrea.
“S-salamat Andrea… excited ako…ang tagal na rin nating magkaibigan pero hanggang tawagan lang tayo.”
“Oo nga. Naaalala mo pa ba kung paano nagsimula ang friendship natin?”
“Oo naman, nagdial ka ng number na hinulaan mo lang at sabi mo gusto mo lang ng makakausap kasi wala kang masabihan ng mga problema mo.”
“At tinanggap mo naman ako bilang bago mong kaibigan kahit wala pa tayong chance na magkita dahil malayo ang lugar natin sa isa’t-isa…”
“Nakakatuwang isipin na lumipas na ang mga taon, naikuwento na natin ang buhay natin sa isa’t-isa, para na nga tayong magkapatid na magkasama sa lungkot at saya pero ni hindi pa tayo nagkikita…hindi pa natin nayayakap o nahahawakan man lang ang isa’t-isa. Andrea, masaya talaga ako na nakilala kita. “
“Bakit parang hindi ka nakangiti?”
“Eto na, smile na’ko.”
“Naka-smile na rin ako. Hugs!”
Subalit pagkasabi niyon ni Andrea ay narinig niyang tila nabitawan ni Janine ang cellphone.
“Janine? Hello Janine?”
(ITUTULOY)
-
Mayor Tiangco: Navotas, nananatiling COVID-19 free
TINIYAK ni Mayor Toby Tiangco sa publiko na nananatiling ligtas ang Navotas mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dating kilala bilang novel Coronavirus (nCov). “Walang kumpirmadong kaso ng nCov sa ating lungsod. Ang Task Force nCov, na pinangungunahan ng ating City Health Office, ang namumuno sa pagtugon sa isyung ito. Mamuhay po tayo nang […]
-
Ginang, mister huli sa aktong nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela
SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang ginang matapos maaktuhan nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander PLt. Armando Delima ang mga nadakip bilang sina Angeline Timosan, 53, at Rolando Tesorero, 54, construction worker at kapwa […]
-
DOH nangangailangan ng P49-B para sa buwanang allowance ng mga health workers
Umaapela ang Department of Health (DOH) sa Kongreso na mabigyan sila ng P49 billion budget para sa buwanang allowance ng lahat ng mga at-risk na health workers sa panahon ng COVID-19 pandemic. Sa plenary debates hinggil sa proposed 2022 budget ng DOH, sinabi ni Cebu 5ht District Rep. Vince Frasco na ang pondong […]