• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 4) Story by Geraldine Monzon

NAKATAKAS ang mga kasama ni Cecilia habang siya ay naiwan sa kamay ni Bernard.

 

 

Dahil sa narinig na putok kanina ay napilitang lumabas ng silid si Angela sa pag-aalala sa asawa. Kasunod niya si Lola Corazon.

 

 

“Bernard!”

 

 

“Natawagan mo na ba si Marcelo?”

 

 

“Oo Bernard, papunta na siya. S-Siya ba ang…”

 

 

“Isang babae at tatlong lalaki. Balak nila tayong pagnakawan.” Ani Bernard na hindi inaalis ang tutok ng baril kay Cecilia.

 

 

“Anong nangyari do’n sa tatlo?”

 

 

“Nakatakas sila. But don’t worry sweetheart, sisiguraduhin ko na hindi na sila makakabalik dito.”

 

 

Nagpakuha ng tali si Bernard kay Angela at saka niya itinali ang dalaga.

 

 

“Bernard, huwag mong masyadong higpitan, baka masaktan siya.” Paalala ni Angela sa asawa.

 

 

Nilingon siya ng lalaki.

 

 

“At talagang inaalala mo pa siya?”

 

 

“Hindi natin alam kung anong dahilan niya kung bakit siya napasama sa ganoong gawain. Huwag natin siyang husgahan agad.”

 

 

Napailing na lang si Bernard. Alam niya kung gaano kadakila ang puso ng asawa.

 

 

Si Lola Corazon naman ay pinuntahan si Bela sa silid nito.

 

 

“Bela apo, okay ka lang ba?”

 

 

“Ano pong nangyari lola, where is mom and dad?”

 

 

“Nasa salas lang, may kausap na bisita. Dito na lang muna tayo ha.”

 

 

“Yes lola. Ahm… did you see the ghost hunter?”

 

 

“Ghost hunter?”

 

 

“She told me that she will kill the 3 ugly ghosts outside and she will save mom and dad from them!”

 

 

Natawa ang matanda.

 

 

“Hamo, mamaya at tatanungin natin ang mom and dad mo tungkol dyan. Sa ngayon, matulog ka muna ulit or gusto mo bang ipagtimpla muna kita ng milk.”

 

 

“I want to sleep na lang po lola.”

 

 

Habang kausap ni Bernard si SPO2 Marcelo ay nilapitan ni Angela ang nakaposas ng si Cecilia.

 

 

“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

 

 

Hindi agad sumagot ang dalaga pero napilitan din ito.

 

 

“Cecille…”

 

 

“Cecille, ako si Angela. Hindi ko alam ang klase ng buhay na meron ka. Pero curious lang ako kung bakit mo pinasok ang ganitong gawain.”

 

 

“Hindi na importante ‘yon. Handa akong pagbayaran sa kulungan ang nagawa ko.”

 

 

“H-hindi ka ba nagsisisi…look, iniwan ka ng mga kasama mo sa ere…pero kung magiging honest ka sa’kin, I’ll promise to help you.”

 

 

“Marami ng nangako sa’kin. Pero maski isa, wala namang tumupad sa pangako.”

 

 

Hindi na naituloy ni Angela ang pagkausap kay Cecilia nang lapitan na ni SPO2 Marcelo ang dalaga.

 

 

“Bernard, mukhang malalim ang problema ng batang ‘yan…naaawa ako sa kanya.”

 

 

“Hindi na siya bata sweetheart. Dapat alam na niya ang tama at mali. Kung marami na siyang problema, hindi na dapat niya iyon dinadagdagan pa ng mga pagkakamaling ginagawa niya ngayon. Kaya huwag mo siyang kaawaan. Ang kailangan niya ay matuto ng leksyon.”

 

 

“Ah basta, naaawa pa rin ako sa kanya. “

 

 

“I-lock mo lahat ang pinto at i-double check ang mga bintana, kailangan kong sumama sa presinto.”

 

 

“Sige, mag-iingat ka.”

 

 

Agad namang nakarating kay Madam Lucia ang nangyari kay Cecilia. Ang kababata at ka-tropa ng dalaga na si Bert ang nagsabi rito sa cellphone.

 

 

“Puro talaga kayo mga ulupong, ipinahamak nyo na naman ang apo ko!” inis na sabi ng matanda.

 

 

“Oo na po, kasalanan na namin. Pero kailangan din kasi namin iligtas ang mga sarili namin sa ganoong sitwasyon lola. Babawi kami kay Cecille. Sa ngayon magtatago muna po kami. Kayo na po ang bahalang umareglo sa kanya sa presinto!” sabay off na ni Bert ng cellphone.

 

 

Dali-dali namang nagtungo sa presinto si Madam Lucia. Dinatnan pa niya roon si Bernard na kausap ng isa pang pulis. Nilingon ni Bernard ang matanda nang lapitan nito ang dalaga sa loob ng kulungan.

 

 

“Cecilia, ano na naman ba itong ginawa mo?”

 

 

“Lola, kung nagpunta ka rito para sermunan ako, umuwi ka na lang po at maghanap ng magpapahula sa’yo. Hindi ka magkakapera rito.”

 

 

“Hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama!”

 

 

Hindi na kumibo si Cecilia.

 

 

Lumapit si Madam Lucia sa mga pulis. May dinukot siya mula sa bitbit na bag.

 

 

“Mamang pulis, heto, baka sumapat na ito para sa kalayaan ng apo ko?”

 

 

Napakamot ng ulo si SPO2 Marcelo nang iabot sa kanya ng matanda ang dalawang kuwintas. Sinipat sipat niya ito.

 

 

“Hmmm, isang nasa maayos na kondisyon, isang may konting sunog, at may nakasulat sa pendant na, No Other Love!”

 

 

Nakangiting iniabot iyon ng pulis kay Bernard.

 

 

“Bernard, ano sa tingin mo?”

 

 

Lumipat ang tingin ng matanda kay Bernard. Nanlaki ang mga mata niya rito.

 

 

“Ikaw, ikaw nga, ikaw ang susunod na magmamay-ari ng kuwintas!”

 

 

Nagkatinginan sina Bernard at Marcelo sa sinabi ng matanda.

 

 

“Ang mga kuwintas na ito ay kuwintas na nababalot ng mahika ng pag-ibig, ito ang magliligtas sa pagmamahalan nyo ng tanging babae na nasa puso mo!” ani Madam Lucia.

 

(ITUTULOY)

Other News
  • Pdu30, ilalatag ang ginawang paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa Covid-19

    ILALATAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang lingguhang public address mamayang gabi sa bayan ang updates sa naging paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa  COVID-19.   Sasamahan si Pangulong Duterte ng ilan sa kanyang cabinet members sa public  address na gagawin sa kanyang hometown  sa Davao City.   “Isa po sa hiningi ni Presidente […]

  • Zoey Taberna, nag-open up sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na leukemia sa murang edad

    “Just the word ‘leukemia’ itself made me so afraid.” Ang leukemia, ayon sa healthline.com, “is a cancer of the blood cells.”   Ito ang bahagi ng madamdaming post sa Instagram ni Zoey Taberna, ang panganay na anak ng brodkaster na si Anthony Taberna. Si Zoey, 12, ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia.   Noong  December 2, […]

  • Serantes bumalik sa pagamutan

    NAGBALIK sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ang 1988 Seoul Summer Olympic Games men’s boxing bronze medalist na si Leopoldo Serrantes dahil sa dati at matagal na niyang karamdamang pulmonya at sa sakit sa puso.   Pinabatid ng Philippine Sports Commission ang kalagayan ng 58-anyos at may taas na 5-2 na bayani ng […]