Pdu30, ilalatag ang ginawang paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa Covid-19
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
ILALATAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang lingguhang public address mamayang gabi sa bayan ang updates sa naging paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.
Sasamahan si Pangulong Duterte ng ilan sa kanyang cabinet members sa public address na gagawin sa kanyang hometown sa Davao City.
“Isa po sa hiningi ni Presidente ngayon para sa talumpati niya ay iyong report sa lahat ng ahensiya ng gobyerno kung paano po nagastos ang mga COVID-related expenses. So, iri-report po iyan ng ating Presidente,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque .
“As of June 30,” nagpalabas ang pamahalaan ng P374.9 billion para i- cover ang emergency assistance sa mga vulnerable groups at individuals, wage subsidy measures, at assistance sa mga displaced workers.
Ang Department of Social Welfare and Development ay nakatanggap ng malaking bahagi ng halaga P200.98 billion para sa Social Amelioration Program para suportahan ang milyong low-income households.
Ang Department of Labor and Employment ay nakatanggap ng P12.59 billion at ang Department of Agriculture ay nakatanggap naman ng P11.10 billion, para suportahan ang kanilang programa para sa mga displaced formal at informal workers, overseas Filipino workers at apektadong magsasaka at mangingisda.
Tinatayang P51 billion ay pinagkaloob naman sa mga manggagawa ng small businesses na labis na naapektuhan ng pandemiya.
Ang Department of Health naman ani Sec. Roque ay P48.23 billion para pondohan ang agaran at patuloy na pagtugon sa COVID-19 response programs at maging ng pagbili ng test kits at PPEs.
Nauna rito, welcome naman sa Malakanyang ang panawagan ng ilang senador para sa special audit ng government’s expenses para makurbada ang epekto ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, inihanda na ng Kongreso ang relief measures na nagkakahalaga ng P165.5 billion para mapanatili ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan at tulungan ang sektor na nilumpo ng pandemya. (Daris Jose)
-
KONGRESISTA SA CALOOCAN AT ILANG MGA KONSEHAL, SUMANIB SA AKSYON DEMOKRATIKO NI ISKO
MULA sa Partido Liberal, sumanib sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na Aksyon Demokratiko si Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice kasama ang ilang mga konsehal sa nasabing lungsod ngayong araw. Pinangunahan ni Domagoso ang isinagawang “oath-taking ceremony” nina Erice at mga kasamang konsehal nito sa Kapetolyo na matatagpuan sa […]
-
Pagbibigay ayuda ng tropa ng pamahalaan sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad, nagpapatuloy
NAGPAPATULOY pa rin hanggang sa ngayon ang pagbibigay ng ayuda ng tropa ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang kalamidad. Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, na patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga taong sinalanta ng bagyo. Sa katunayan aniya ay patuloy na nag-iikot at naghahatid ng mga […]
-
Ateneo paghahandaan ang NU
WALANG makatibag sa defending champion Ateneo na solo na ang liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament. Maging ang mortal nilang karibal na La Salle ay walang naisagot sa malakas na puwersa ng Blue Eagles sa kanilang paghaharap noong Sabado sa Mall of Asia Arena. Inilampaso ng Ateneo ang La […]