‘Deleter’, big winner sa Gabi ng Parangal ng ‘MMFF 2022’: NADINE at IAN, waging best actress at best actor na, stars of the night pa
- Published on December 29, 2022
- by @peoplesbalita
BIG winner ng horror-suspense movie na “Deleter” ng Viva Films sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, noong December 27.
Nagsilbing hosts sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda at BB Gandanghari.
Si Nadine Lustre ang itinanghal na Best Actress para mahusay na pagganap sa “Deleter” kung saan nakalaban niya sina sina Ivana Alawi (Partners In Crime), Toni Gonzaga (My Teacher) at Heaven Peralejo (Nanahimik Ang Gabi).
Ang “Deleter” ang nakakuha ng Best Picture (Viva Films), Best Cinematography, Best Editing, Best Visual Effects, Best Sound at Best Director para kay Mikhail Red.
Waging Best Actor si Ian Veneracion para sa “Nanahimik Ang Gabi”. Kinabog niya ang early favorites na sina Jake Cuenca (My Father, Myself) at Noel Trinidad (Family Matters).
Double win din para kina Nadine at Ian dahil sila rin ang napiling Stars of the Night.
Sina Dimples Romana (My Father Myself) at Mon Confiado (Nanahimik Ang Gabi) naman ang napiling Best Supporting Actress at Best Supporting Actor.
Marami naman ang nadismaya sa pang-iisnab ng mga hurado ng MMFF 2022 sa “Family Matters” na inaasahang hahakot ng awards. Tanging ang Gatpuno Antonio J. Villegas Award ang natanggap nitong parangal.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2022:
Best Picture: Deleter
2nd Best Picture: Mamasapano: Now It Can Be Told
3rd Best Picture: Nanahimik Ang Gabi
Best Actress: Nadine Lustre (Deleter)
Best Actor: Ian Veneracion (Nanahimik Ang Gabi)
Best Director: Mikhail Red (Deleter)
Best Supporting Actor: Mon Confiado (Nanahimik Ang Gabi)
Best Supporting Actress: Dimples Romana (My Father, Myself)
Best Screenplay: Eric Ramos (Mamasapano: Now It Can Be Told)
Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence: Mamasapano: Now It Can Be Told
Gatpuno Antonio J. Villegas Award: Family Matters
Gender Sensitivity Award: My Teacher
Best Child Performer: Shawn Niño Gabriel (My Father, Myself)
Best Cinematogaphy: Deleter
Best Editing: Deleter
Best Production Design: Nanahimik Ang Gabi
Best Visual Effects: Deleter
Best Original Theme Song: “Aking Mahal” sung and composed by Atty. Ferdinand Topacio (Mamasapano: Now It Can Be Told)
Best Musical Score: Nanahimik Ang Gabi
Best Sound: Deleter
Best Float: My Father, Myself
Marichu Vera-Perez Maceda Memorial Award: Vilma Santos
(ROHN ROMULO)
-
PH rescue team na ipinadala sa Turkey, binigyan ng ‘heroes welcome’ sa muling pagbabalik sa bansa
BINIGYAN ng isang “heroes welcome” ang Philippine contingent na ipinadala sa Turkey para tumulong sa disaster response sa mga biktima ng malakas na lindol doon. Kasabay ito ng muling pagbabalik sa Pilipinas ng 82 miyembro ng search and rescue team na ipinadala ng pamahalaan sa nasabing bansa para sa isang mahalagang misyon. […]
-
11 presidential, 9 VP bets pasok sa tentative list ng Comelec
Mula sa 15 ay nasa 11 presidential at vice presidential aspirants na lang base sa inilabas na tentative list ng Commission on Elections’ (Comelec) para sa 2022 elections. Ang presidential bets ay kinabibilangan nina Abella, Ernie; Arcega, Gerald; De Guzman, Leody; Domagoso, Isko Moreno; Gonzales, Norberto; Lacson, Ping; Mangondato, Faisal; Marcos, Bongbong; Montemayor, […]
-
RABIYA, inaming nanonood ng BL series at ‘huge fan’ ng Thai Superstar na si MARIO MAURER
INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na ‘huge fan’ siya ng Thai Superstar at latest brand ambassador ng TNT na si Mario Maurer. Sa short interview ng Thai Sashes na kilalang fashion blog sa kanilang bansa, sinabi ni Rabiya nang dumating siya sa Seminole Hard Rock Hotel sa Florida, USA, “I’m […]