Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
Madi-delay ang pagdating sa bansa ng 50,000 doses ng SputnikV na gawa sa Russia, ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Galvez, nakatanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) noong Hunyo 20 na nagsasabing ipagpapaliban sa ibang araw ang delivery ng Sputnik V Component II dahil sa upgrading ng bakuna.
Sinabi ni Galvez na ang parating na 50,000 doses ay para sa mga nakatanggap ng Component 1 nitong Hunyo.
“We have already informed all local government units who have administered the first dose of Sputnik V to their constituents that the schedule for the second shot will likewise be pushed back and will be rescheduled,” ani Galvez.
Samantala, tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi maapektuhan ang bisa ng bakuna kahit pa ma-delay ang pagbibigay ng 2nd dose ng Sputnik V. (Gene Adsuara)
-
No. 3 most wanted person ng Navotas, timbog sa Bataan
Isang puganti na nagtago nang halos sampung taon dahil sa pagpatay sa kanyang kapitbahay sa Navotas city ang tuluyan nang naaresto ng pulisya sa isang liblib na lugar sa probinsya ng Bataan. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Roberto Jiongco, Jr. alyas “Jeje”, 32, welder at […]
-
Mas maraming ayuda, suspended oil tax -PDu30
SINABI ng Department of Finance (DOF) na ang ginawang pagbibigay ng ilang beses na cash aid sa gitna ng napakatagal na pandemya habang inalis ang oil taxes nang tumalon naman ang global prices sa pinakamataas na record nito ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit pumalo sa P15.4 trillion ang public debt ng Pilipinas […]
-
Tubig sa Angat mababa na sa minimum operating level
BUMABA na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan. Ayon sa PAGASA, nasa 179.99 meters na lamang ang tubig sa Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level. Mas mababa rin ito ng 0.46 meter kumpara sa 180.45 meter noong Biyernes, Hulyo 7. […]