Delivery ng national IDs makukumpleto sa 2024 – PSA
- Published on September 27, 2023
- by @peoplesbalita
KAKAIN pa ng isang taon o aabutin pa nang hanggang September 2024 bago makumpleto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, mayroon nang 81 milyong Filipino ang nagparehistro sa PhilSystem pero mababa pa sa kalahati o nasa 39.7 milyon pa lamang ang nakatanggap na ng kanilang physical identification cards at nasa 41.2 milyon naman ang naisyuhan ng ePhilID na naimprenta sa papel.
Sinabi ni Mapa na ang backlog ay dahil sa card printing capacity na kaya lamang makapag-accommodate ng hanggang 80,000 cards kada araw.
Anya, patuloy ang pagdami ng mga nagpaparehistro pero mabagal naman ang kanilang printer sa paggawa ng mga cards kayat dumarami ang backlog.
Gayunman, patuloy anya ang pag-iimprenta nila sa paraang first-in, first-out basis.
Sa kasalukuyan, target ng PSA ang cumulative registration na 101 milyong Filipino pagsapit ng 2024.
-
Tapales WBC Asian Continental champion
PINATUNAYAN ni two-division world champion Marlon Tapales na may ibubuga pa ito matapos magtala ng first-round knockout win para makuha ang WBC Asian Continental super bantamweight title sa labang ginanap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City. Mabibigat na suntok ang pinakawalan ni Tapales para mabilis na tapusin si Nattapong Jankaew […]
-
Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang
INAASAHAN ng OCTA Research Group na makapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso. Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa […]
-
Rep. Edcel Lagman, pumanaw na, 82
INANUNSYO ni Tabaco City Mayor Krisel Lagman ang pagpanaw ng kaniyang amang si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa edad na 82. Sinasabing atake sa puso ang ikinamatay ng mambabatas, bandang alas-5:01 nitong Huwebes. Si Lagman ay ipinanganak noong May 1, 1942. Siya ay nagsilbing minority leader at iba pang posisyon sa Kamara. Naging bahagi rin […]