• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Delta variant, 8 tao kayang hawaan sa loob ng 1-2 minuto

Higit na nakakatakot ang Delta variant kumpara sa iba pang variants dahil kaya nitong manghawa ng hanggang walo katao na nasa kaniyang paligid, at ang walo naman na nahawaan ay kaya ring makahawa ng walo pa bawat isa.

 

 

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force Technical Advisory Group, higit 60 por­syentong mas nakahahawa ang Delta subalit maiiwasan ito kung susunod lamang sa health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields at dapat na magpabakuna.

 

 

“..it is three times more contagious than the original SARS COV-2 virus,” ani Salvaña sa IATF mee­ting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ng gabi.

 

 

Kung dati aniya na may tatlong araw pa bago makahawa ng tao ang COVID-19 variants, ang Delta ay mas maikling oras lang o 30 oras ay puwede nang makahawa ng iba. habang ang mga sinasabi aniyang close contacts na may 15 minuto, sa Delta ay 1-2 minuto lang ay pwede nang makahawa.

 

 

Gayunman, ani Salvaña, umaasa siya na ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan laban sa pagkalat ng nasabing variant ay tama.

 

 

“Face shield, face mask, physical distancing and of course we have to vaccinate everyone. We need to make sure na maglevel up ang ating compliance because the variant has levelled up,” ani Salvaña.

 

 

Dapat din aniya na tuluy-tuloy lang ang pagbabakuna laban sa CO­VID-19 at kung magagawang mas paspasan pa ay mas mabuti, at kasabay ng pagsunod sa health protocols ay maa­ring hindi matulad ang Pilipinas sa mga kalapit na ASEAN nations. (Daris Jose)

Other News
  • 2 beses ang swab test pero hindi na 14-day absolute quarantine – IATF

    Inamyendahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Resolution No. 92 kaugnay sa travel restrictions sa mga manggagaling sa mga bansang may bagong COVID-19 variant.     Sa nasabing bagong resolusyon, ispesipikong tinukoy na ng IATF ang mga exempted gaya ng mga foreign nationals na may valid […]

  • Mga nakakumpleto na nang bakuna sa Metro Manila, nasa trenta porsiyento -Malakanyang

    PUMALO na sa 30% ang fully vaccinated sa Metro Manila.   Kaya positibo ang Malakanyang na malapit ng maabot ang containment sa National Capital Region (NCR).   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 20% na lamang ay maaabot na ang containment sa Kalakhang Maynila na isa aniyang malaking bagay upang magbalik buhay na.   “At […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 51) Story by Geraldine Monzon

    NANG UMALIS sina Jeff at Bela sakay ng motor, napansin ng huli na may kotseng sumusunod sa kanila. Nakumpirma nila ito nang lumiko sila sa isang kanto at sumunod pa rin ito. Pinaharurot ni Jeff ang motor. Napatili naman si Bela nang bigla na lang silang paulanan ng bala ng humahabol sa kanila.   “EEEEEE!” […]